Mel,
Hi Ate Hopya, I need your help. Simula pag-kabata ko honor student na ako. I graduated Elementary and High School being the Valedictorian. Haaay. Third year College na ako, Business Admin student pero bakit sa kabila ng pagiging mautak ko academically, kabaliktaran naman nito ang pagiging bobo ko sa lovelife. Sa kabila lahat ng pressure na naramdaman ko na ipinapatong sakin ng parents ko, halos wala na akong pagmamahal na naramdaman mula sa kanila. Lagi nalang 'Ayusin mo ang grades mo para Deans Lister ka ulit,' or 'Anak sayo nalang kami umaasa ng tatay mo, wag mung pababayaan ang grades mo ha? Dapat top ka ulit ngayong sem.' Alam mo ba kung gaano kahirap para sakin yung may ganitong responsibilidad na nakapatong sa mga balikat ko? 3 months na kami ng boyfriend ko at sya lang talaga ang nakakapag-bigay sakin ng break sa pag-aaral at pressure na nararamdaman ko. I'm 3 weeks pregnant and I seriously have no idea how to tell my boyfriend. Napaka-outgoing nya, party person at hindi pa ready sa commitment.
I won't lie to you, this is not the first time that this happened. At oo, nakapag-palaglag na ako ng bata, more than once. Sige! Judge me! Wala na akong pakealam pero hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko dito. :((( Tao rin naman ako at meron din akong konsensya pero hindi ko magawang madis-appoint ang parents ko. Sakin lang sila umaasa at hindi ko magawang mag-dagdag ng isa pang pabigat sa pamilya ko. Hindi ko rin alam kung pananagutan ba ako ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung handa na sya sa ganitong responsibility. Please, I beg you, I need your opinion on this. Nahihirapan na akong magdecide para sa sarili ko. And I believe na much better kung sa totally random person ako hihingi ng advice since you don't know anything about me. You won't make me feel better. You won't try to convince me to do what I thought I would like to do. haaaays.
--------------x------x
Hi Mel, Believe it or not, hindi lang ikaw ang nag-iisang tao dito sa mundo na nakaramdam ng ganyang pressure. It happens to pretty much everyone. Even sakin. Oo nape-pressure din ako sa expectation ng parents ko pero I never let pressure get the best of me. Naisip ko na rin yan dati eh, bakit nga ba puro nalang expectation sila? Hindi ba nila alam kung gaano kahirap mag-aral? Kala ba nila ganun lang kadali pumasa? Tinanong ko si Mama kung bakit, sabi sakin ni Mama, Alam namin lahat ng hirap na pinag-dadaanan nyong magkuya. Nahihirapan kami kapag kinakailangan nyong hindi matulog para lang makapag-aral. Ito lang ang paraan namin para maencourage namin kayong pagbutihan pa sa pag-aaral. Dama namin ang paghihirap nyo, wag nyo sanang isipin na dinadag-dagan lang namin ang karga nyo. Hindi ko alam kung ganito lahat ng parents pero sa tingin ko, sa tuwing sinasabi nila na pagbutihan natin, wag tayong bumagsak, hindi pressure ang nais nilang iparating kundi suporta.
Hindi kita huhusgahan Mel, desisyon mo yun at wala na akong magagawa pa dun. Kagustuhan mo yan eh. Since sakin ka lumapit, I assume na you want my opinion. Para sakin? And I'd be speaking for everybody else when I say 'Abortion is not an option'. Kahit sino sa atin ayaw madis-appoint ang mga magulang natin. Pero paano yung batang dinadala mo? Ayaw mo ba syang bigyan ng chance makita ang mundo? Ayaw mo ba bigyan ng honor ang sarili mo na magbigay buhay sa isang biyaya ni Lord? Kahit anong mangyari, ipaalam mo sa boyfriend mo ang kalagayan mo. Responsibilidad nya kayong mag-ina. Huwag mong gawing dahilan ang kahinaan mo para sayangin ang buhay ng batang dinadala mo. Business Admin student ka diba? Dapat nung mga araw na naisipan nyong gumawa ng milagro, dapat naisip mo rin ang mga consequences na dala nito. Ngayong buntis ka na nga, explore your options! And abortion is not one of them. Tulad ng sinabi mo, tao ka na may konsensya. Tao lang rin naman yung dinadala mo na walang ka-alam alam kung anong mangyayari sa kanya. To tell you the truth, nasa kamay mo ang buhay nya. Let another pair of eyes see the world.
What concerns me is that you've done this before pero bakit hindi ka natututo? Hindi mo pa ba alam yung mga consequences ng mga decision mo pagdating sa mga ganitong issue, let alone knowing that what happened before could happen all over again. We're suppose to learn from our mistake, our mistakes makes us stronger, to make better choices the next time similar issues comes up. Pero why don't you ever learn? Why are you letting your mistakes have the best of you? You're making the same choices, which are no good. Naiintidihan kita na kailangan mo ng pag-mamahal, pero hindi sa ganitong paraan. If you want love, maraming nagmamahal sayo dyan. Mga kaibigan, kapatid, ang pamilya mo at kahit ako. But there's the greatest love of all, God's love. Manalig ka sa kanya, hindi ka nya pababayaan. Hindi ka nya iiwan. Stay strong my dear. God love's you more than you love yourself. I hope that someday, matuto kang pahalagahan hindi lang ang sarili mo kundi pati na yung mga blessings na binibigay sayo ni God.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...