When A Heart Breaks, No It Don't Break Even

453 12 0
                                    

From Raileen:

Ate Hopya!!!!! Advice! Pahingi! Pinanghihinaan na kasi ako ng loob, nagkamali din ako at inaamin ko naman yun sa kanya, sinusubukan ko namang ayusin yung kaunting tampuhan namin pero parang ayaw niya naman eh. Inaako ko na lahat ng kasalanan ko pero hindi niya naman pinapakinggan ang mga sorry ko. 

Gusto ko man syang kausapin pero lagi lang syang nagdadahilan na hindi pwede kasi meron daw syang mga lakad. Sino ba naman ang matutuwa sa ganun diba? Gusto ko man sabihin sa kanya yung totoo kong nararamdaman pero hindi ko magawa kasi baka sabihin niya ang OA ko nanaman. Nahihirapan na ako ate Hopya :’( Para saan pa ang effort ko kung parang wala naman na syang gana sa relasyon naming ito, pero ayaw kong magbreak kami. 

Nagpromise pa nga ako sa kanya na walang iwanan at nagpromise din sya. Pero parang ako nalang yata ang tumutupad sa mga promises namin eh. Feeling ko nakarelate ako dun sa post mo na ‘One Sided Relationship’. Hinahayaan ko na sya pero hindi ko kaya, lahat ng ginagawa ko naaalala ko sya. :’( Panuuuh ba itooh? Shiiiit lang talaga!

-------------------------x----------x

From Hopya:

Alam mo ba yung kasabihan na “Kapag ayaw, madaming dahilan”. Tama lang na inamin mo yung mga pagkakamali mo at inaako mo iyon, pero sana hindi pati yung kasalanan niya ikaw na ang umaako. Kung may kasalanan kayong pareho edi kwuits kayo pero kung ayaw niyang magpatalo, may dahilan sya, sigurado ako. Kung ano man ang dahilan niya hindi ko iyon masasabi sa iyo dahil sya lang ang nakakaalam nun. Best thing to do Raileen is to talk to him. 

Gaano ba kalaki ang kasalanan mo at hindi niya kayang magpatawad. Raileen, ang tunay na nagmamahalan susubukang intindihin ang isat-isa kahit gaano pa man kahirap. Sooner or later mapapagod ka na itama ang lahat ng pagkakamali mo, hindi natin kayang maging matatag sa lahat ng oras. Give your best shot to make things right Raileen, ipaglalaban mo sya at gagawin mo ang lahat kung tunay mo syang mahal pero siguraduhin mo na hindi ka mag magisang lumalaban, hindi ka nagiisang nagpapakatanga.

Kung hindi mo sya kayang mawala wag mo syang pakawalan, pero kung alam mong wala na talaga, let go na. Ang mahalaga you did your best to make things right naman diba? Kapag ang isang relasyon ay gumuho may isang mas higit na maaapektuhan, may isang mas masasaktan. Just do the best you can Raileen, fight for what you think is right. Work together. Talk it through, and think twice even thrice before you finalize your decisions. Wish that helped you kahit kunti. All the best. Keep it together lang.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon