Chutangers lang te?

333 11 3
                                    

From Anon:

Hi Hopya! Since nakita kong nagbibigay ka ng advice, tanong ko lang ha?! Ano bang masama kapag nakipagrelasyon ka sa dalawa o sabay? Hindi ba maganda yun at mapagmahal ka ngang tao diba? Tsaka mas gugustuhin iyon ni God kasi nagmamahalan tayo dito sa lupa. Ayun naman ang gusto niya diba? So sabihin mo nga sakin kung ano ang mali ng magmahal ng sobra sa isa?

-------------------x----------x

From Hopya:

Ok sige, ipapaliwanag ko ito sa iyo ng maiintindihan mo ng uber! Yung tanong mo kasi eh parang katulad nito: 

“Masamang bang pumatay ng tao? Hindi ba maganda nga iyon kasi mababawasan ang makasalanan dito sa mundo. Hindi ba yun ang gusto ni God ang mabawasan ang kasalanan dito sa mundo. So pakisabi nga sakin kung anong mali kung papatay ka ng makasalanang tao?” 

Ewan ko lang if you need further explanation pero ibibigay ko na rin sayo just to make sure nakuha mo ang punto ko. Hindi masama ang magmahal pero yung nasa tama. And you should not use God’s name in vain. Isa pa hindi ko alam kung paano mo nasabi na ikakatuwa ng panginoon natin ang pagiging two-timer ng isang tao. You’re being dishonest sa dalawang person, isa pa hindi ganung pagmamahal ang itinuro satin ni God. Maraming paraan sa pagpapakita natin sa pagmamahal natin sa isang tao, pero sigurado akong ang pagiging two-timer ay hindi kasama sa paraan na iyon. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon