Lita.
Hi Hopya, Nababasa ko yung mga advice mo sa wattpad. Alam ko na bata ka pa para maintindihan to pero sa tingin ko ikaw lang talaga ang makakapagbigay ng advice na may sense. Mahal ko kasi yung boyfriend ko. Mahal ko sya na higit pa sa buhay ko pero bakit simula nung nagkaroon sya ng trabaho parang nawawalan na sya ng oras para sakin. Kapag uwi nya diretso na sya ng tulog minsan hindi na sya nagtetext. Nakakainis kasi inuuna nya pa yung tulog. Alam kong pagod sya pero kahit isang text lang naman. Nakakainis kasi. Tapos sa day off nya nakikibarkada pa. Minsan na nga lang kami magkasama kapag katapos nya ng trabaho nya minsan mahirap pa kausapin kasi pagod sya. Ayoko ng ganitong relasyon. Alam kong para samin yung pagtatrabaho nya pero parang binabale wala nya na ako eh. Dapat ko na ba syang hiwalayan? Help mo ako please.
Hi Lita.
Maibibigay ko lang na advice sayo teh is learn to understand. Habaan ang pasensya. Alam mo ganitong-ganito rin kami ng partner ko eh. Pero ang pinagkaiba lang ng sitwasyon natin, thousands of miles away from each other kami. Intindihin mo nalang sya. Lamabingin mo nalang sya instead na inaaway mo pa. Ikaw na rin ang nagsabi na para sa inyo rin naman ang mga hard works nya diba? Ikaw ba kapag pagod ka galing work gusto mo bang inaaway ka ng boyfriend mo? Isipin mo nga kung gaano nakakairita yun? Syempre kapag pagod tayo, we seek comfort and love. Hayaan mo syang gumimik kasama ang mga barkada nya kasi kailangan nya rin yun para makapagrelax. Nagkikita naman kayo diba? Use that time para icomfort sya sa pagod nya, pagsilbihna mo sya instead na sigawan sya. Remember, lahat ng ginagawa nya ay para sa inyo rin naman after all. Kung unahin man nya ang tulog nya, try to understand nalang. Always be supportive and loving sa partner mo. He needs it. Ayun lang.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Não FicçãoA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...