LDR

265 10 0
                                    

Janine

Hello Ate Peymous na Hopya…Hehe!.. Diba nasa Long Distance Relationship kayo ni Jayson?.. Pano niyo napapatibay ang samahan niyo? Kami kasi ng boyfriend ko, probinsya na nga lang ang layo namin tapos ang labo pa namin mag kaayos.. Lagi lang kaming magka-away..lagi kaming hindi magkasundo sa mga bagay-bagay..Kayo ba hindi ba kayo nag-aaway?..Wala kasi akong tiwala minsan sa kanya kasi chickboy yun eh.. Minsan isang linggo kaming hindi nag-uusap, naiinis ako ate kasi gusto kong magkasundo kami pero parang imposible kasi minsan ate..

-------------------x-----------x

Hopya

Hello Janine! :) Ako peymus? Hindi nga eh, lapitin lang ng mga problemado. :) Oo tama LDR din kami ni Jayson. Paano namin napapagtibay ang relasyon namin? Trust and faith. Yan naman talaga and fundamentals ng LDR eh. Mahihirapan kayong pagyamanin ang isang relasyon na katulad ng LDR kung wala kayong trust and faith sa isat-isa. Kahit naman anong uri ng relasyon ay kailangan nito diba? Minsan kasi, ang mga lalaki nagtatampo para magpalambing. Hindi siguro lahat pero meron din mga ganun. Subukan mo syang intindihin. Minsan magparaya ka nalang kung tunay talaga syang importante sayo. Wala kasing mangyayari kung magsasabayan kayo ng init ng ulo. Hindi naman kami nagkakaroon ng away pero meron din kunting tampuhan. Pero kahit maliit lang na tampuhan yun, inaayos rin naman sa lalong madaling panahon para walang gulo. Sa relasyon kasi namin ni Jayson, ayaw na ayaw naming nagkakatampuhan kasi ayaw naming masaktan ang isat-isa. Walang imposible basta gugustuhin mo lang talaga, makakanap ka ng paraan. Ok? :)

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon