Stage Play

940 17 4
                                    

From Anon (Ayaw niya imention ko yung name niya):

Ate Hopya I need help. Nakipagbreak kasi sakin yung girlfriend ko. :( Ang sakit pala. Parehas kaming the FEU, kinukuha niyang course ay Acting course at ako naman ay Fine Arts.

Inanyayahan niya kasi ako ate Hopya manood ng first play niya. Hindi sya pumapayag kapag bibisitahin ko sya sa mga practices niya. She worked really hard ate at sabi niya manood daw ako sa presentation night nila, sigurado daw na magugulat daw ako at pangako daw niya na gagalingan niya at hindi niya ako bibiguin. Syempre ako naman todo suporta kasi ganun naman talaga diba ang ginagawa ng mga nagmamahalan diba? Sinusuportahan ang isat-isa. Syempre excited ako na mapanood siya at handang-handa na akong ipagmalaki sya sa buong mundo. Buong buhay na magkasama kami lagi niya sa akin sinasabi na gustong-gusto niyang umakting, syempre supurtado ko naman sya.

Dumating na yung gabi ng presentation nila. Excited akong makita sya sa entablado habang pinapamangha ang mga manonood at lalo na ako. Kumaway pa nga sya mula sa likod ng stage curtain sa akin bago magsimula at nagblow ng kiss. Tama nga sya Ate Hopya :( Magugulat nga talaga ako. Nalaman ko na ang role niya pala sa play na yun ay isang prostitute. Niyakap niya yung co-star niya na lalake, ang ikli-ikli ng damit  niya, niyakap at hinalikan niya yung co-star niyang lalake. 

Ate Hopya pakiramdam ko naiputan ako ng ibong adarna at bigla nalang akong naging bato sa kinauupuan ko. Kitang-kita ko ang mga lalake sa paligid na nanonood din na gustong gusto nila ang nakikita nila. Ate nasaktan ako ng sobra. Sa sobrang sakit hindi ko na napansin na tumulo ang mga luha ko. Sa sobrang sakit hindi ko Ate kinaya kaya nagwalk out ako. Halos magkandarapa ako kasi hindi ko makita yung dinadaanan ko gawa ng mga luha ko na umaapaw sa mga mata ko. Nakatawag pansin pa nga yata iyon sa ibang mga tao at sabi ng mga kasama ko nung gabing iyon ay nakuha ko rin daw ang atensyon ng girlfriend kong nasa intablado. Umuwi akong luhaan at lasing. 

Hindi ko talaga kinaya yung nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Sunod-sunod ang text at tawag niya sakin pero kahit isa wala akong sinagot. Hindi ko talaga matanggap na ginawa niya yun sa harap ng maraming tao. 

Ng magkausap kami ate ng maayos napagpasyahan ko na tapusin na ang kung ano man ang meron kami. Pumayag sya pero hanggang sa mga sandaling maghihiwalay na kami nagsosorry pa rin sya. 

Ate Hopya tama ba yung ginawa ko? Kailangan ko kasi ng opinyon eh. Salamat Ate Hopya. Hoping to get a reply from you soon.

----------------x-----------x

From your Ate Hopya,

Unang-una sa lahat, girlfriend mo sya at mahal mo sya tama? Nabanggit mo rin na madalas niyang binabanggit sayo na gusto niya maging actress at sinusuportahan mo sya. Sa tingin mo ikaw lang ang nasaktan sa inyong dalawa? She was just trying to impress you.

Hindi man ako lalaki alam kong masakit yung mga nakita mo nung gabing yun pero ikaw na nga ang nagsabi diba? Ang nagmamahalan sinusuportahan ang isat-isa. Tama ka, pero ito ang tandaan mo, hindi purkit hindi mo kinaya yung sakit puro nalang sakit ang papairalin mo. Dapat sana sinubukan mo munang kausapin yung girlfriend mo.

Ang suporta hindi lang para sa mga simpleng kompetisyon sa sports, exam at kung ano ano pa. Kung mahal mo sya, susuportahan mo sya sa kahit anong bagay na gagawin niya. Hindi mo ba naisip na kasama ang mga ganyang bagay sa course niya? Ikaw na rin ang nagsabi nagsorry na sya sayo, hindi niya sinasadya na saktan ka at hindi niya rin iyon intensyon. Hindi mo ba sya kayang intindihin? Hindi mo ba kayang magpatawad? Kung ayaw mong mawala ang lahat ng pinagsamahan niyo pagisipan mo yung mga tanong ko sayo. Hindi pa huli ang lahat. Lahat ng bagay nasosolve kung magtutulungan kayo. Pinapunta ka niya dun para sa suporta, ikaw ang dahilan niya kung bakit niya ipinagbubuti ang pag-aaral or pag-aacting niya. Wag mong sirain ang confidence niya.

I hope nakahelp ako sa problem mo. Be understanding lang. At hindi tama na hiniwalayan mo sya. Pinagusapan niyo muna sana ng mabuti. Okay lang humingi ka ng space para pakalmahin ang sarili mo pero ang bigyan mo sya ng kalayaan sa tingin ko hindi tama. Stay strong and keep believing. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon