From Gizelle
Hi ate. I need your advice. Crush na crush ko kasi yung bestfriend ko. Halos sabay na kaming lumaki ni Jonas. Ewan ko ba, basta kavibes ko sya sa lahat ng bagay. Kahit sa damit, parehas kami ng type. Ewan ko ba. Basta. Pero habang naglaon ang panahon, parang feeling ko nag-iba ang tingin ko sa kanya. Parang mas gusto ko na syang palaging nasa tabi ko, yung para bang maya't-maya magkasama kami. Tapos kapag may mga babaeng lumalandi sa kanya naiinis ako. Umiinit ang ulo at dugo ko. Hindi ko naman kasi sinasadya yun. Hindi ko sinasadya na mahulog sa kanya. Minsan, kapag nangungulit sya tinatarayan ko nalang, kasi deep inside kinikilig ako. Super! Super kinikilig at ang hirap na itago nito. Hindi ko na alam kung paano ko pa malalampasan ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kung mali ang mainlove sa bestfriend ko at sinusubukan ko ang lahat para lang hindi na ako mahulog ng tuluyan sa kay Jonas. Hindi ko na alam kung paano pa ito itatago. Gusto ko ng itigil ito. Promise pero hindi ko alam kung paano at kung saan ako magsisimula. Tulungan mo naman akong makalimutan sya oh.
--------------------x--------x
Hi Gizelle,
Ayiiie! ikaw ha. Dalaga na :) Chumacharaught na! :)) Jokes lang. Alam mo ba normal lang ang mainlove sa bestfriends natin? Hindi rin maiiwasan lalo na at sila palagi ang kasama natin, sila ang nandyan kapag nasasaktan tayo, kapag malungkot tayo at kapag kailangan natin ng karamay ay sila lang ang parating nandyan sa tabi natin. Kaya I think napakacommon ng mainlove sa taong close satin. Sa totoo lang, mahirap. Mahirap iwasan ang taong nakasanayan mo ng palagi mong kasama. Maraming pagbabago ang mangyayari sa buhay mo, hahanap-hanapin mo sya sa tabi mo. Ang pagmove on kasi hindi yan minamadali. Hindi yung kapag gusto mo syang kalimutan ng agaran ay makakalimutan mo na sya agad. Take it little by little. Wag mong bigyan ng meaning ang mga bagay na ginagawa niya sayo lalo na ang kasweetan nya sa sayo. Think positive for yourself and for Jonas. Huwag mo ng pansinin ang mga babaeng lumalapit sa kanya, maging masaya ka nalang para sa kanya. Alam mo kung gugustuhin mo talagang mawala ang feelings mo para sa kanya, kakayanin mo eh. Either para isave ang friendship niyo o kaya naman dahil nire-respeto mo ang friendship niyo. Teka wait! Parehas lang yun ah! Pero basta! Naiintindihan ko ang dahilan mo pero kung kayo talaga ang para sa isat-isa, hindi ka makakatakas sa tunay mong nararamdaman para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...