Kalayaan Daw

260 11 0
                                    

Jem

Hello Hopya!! Tanong ko lang, bakit mo hinayaan na diktahan ka ng parents mo pag-dating sa lovelife mo? Hindi ba na dapat puso ang masusunod?

Ako kasi laging pinapakialaman ng parents ko ang love life ko. Sabihin natin na hindi nga natin alam ang tunay nilang intensyon para satin pero hindi ba dapat magkaroon din tayo ng freedom? Bata pa naman tayo at libre na gawin ang mga bagay na gusto natin. Hindi ba nila gets yun? Yun lang naman. Salamat.

-------------------------x----------x

Hopya

Hello Jem. Hindi naman sa hinahayaan ko silang diktahan ang lovelife ko, naiintindihan ko lang talaga yung mga intensyon nila. Sabihin na natin na importante ang sinisigaw ng puso pero above all, dapat lamang parin ang utak. Mahirap na rin kasi kapag puso ang laging pinapairal.

Meron ka namang freedom diba? Nakakapag internet ka nga eh, nakakagala kasama ang barkada at kung ano ano pa. Hindi naman lack of freedom yun eh, restrictions and limits ang tawag dun. Syempre lahat naman tayo kailangan mag-set ng limit diba? Free ka pa rin naman gawin ang mga bagay na gusto mo, pinipigilan ka lang nila kapag alam nilang hindi na nakakabuti sayo ang ibang mga bagay.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon