From Charylisse,
Ate Hopya! It's Charylisse again. <3 Nalimutan lang po yung password nung dati kong account omg. Sobrang laki ng problema ko ngayon ate. HIndi na 'to yung yungkol sa past love ko ah? Tungkol na po ito sa bago kong love. We met online, and as usual, nagkadevelopan kami. It all started as a joke, yung tawagan ng Yeobo (Honey in Korean) and Anae-Nampyeon (Wife&Husband in Korean). Hanggang sa dumating sa point na tinotoo na namin or in other words nanligaw siya. Sobrang saya ko nun ate. Narealize ko na once nameet mo yung person na magpapasaya talaga sayo, baliwala yung pain from the past. Pero yung happiness pala na ito, temporary lang. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sakanya at nagawa niya yun sa akin. Kung totoo man, sana inisip niya muna ako.
Nakabuntis siya. Parehas silang lasing noon. Napakasakit sakin noon ate. Para bang sa movie lang nangyayari? Pero hindi eh. Totoo. Napaluhod ako sa shock at naiyak ng tuluyan. Alam ko nang pwersahan kaming paghihiwalayin dahil ikakasal na siya, at kailangan niyang panindigan ang bata. Nagsend ako ng napakaraming messages sakanya. Sobrang dami ate. Di ko lang alam kung napakinggan nya lahat ng voice message. Nagpost pa ako ng farewell ko, as in yung may thank you and i'll miss you. Hindi man lang siya nagreply. So tinext ko siya and nagreply sya, sabi niya mahihirapan lang daw kami. Hindi naman sa kontra ako dun pero parang.."hindi ba niya gustong magpaalam sa akin? last na nga namin to eh." tapos ayun. hindi man lang niya pinagbigyan yung last wish ko, na marinig yung boses nya. I was like, eto na naman? Kelan ba ako patatahimikin netong love na 'to? Feeling ko tuloy ayoko nang magmahal ever.
Tas eto na naman. Nagkausap kami through someone else na gumagamit nung FB nya. Inatake daw sya sa puso and comatose sya ngayon.
Ate, bakit ganun? :( Sa tingin mo ba minahal talaga niya ako? Worth pa ba ako sa pagmamahal niya? Does he even deserve to be with me? Thanks ate Hopya. Sana matulungan mo uli ako. :D
---------------x-------x
Hi Charylisse. Ok lang yun don't worry :) Aaah. Marami nga namang nagsisimula sa biruan hanggang sa mauwi sa totohanan. Tama ka, meron talagang isang tao na darating sa buhay natin na makakapagpalimut ng masakit na nakaraan pero minsan ang hindi natin alam dumating lang pala sila para ipaalala satin na hindi madali ang buhay at masakit makipaglaro ang tadhana. Isa sa mga kailangan mong tandaan na sa dumating na saya ay lagi yang may kakambal na sa sakit at hirap. Walang madali sa buhay. Diba sabi mong TEMPORARY lang yung happiness mo? That is because walang PERMANENTE dito sa mundo. Alam mo hindi mo kailangan magkaroon ng kasalanan para magawa nya sayo yan kasi kahit gaano ka pa kaperpekto na girlfriend pero kung may defect yung karelasyon mo, wala kang magagawa. The thing is, nasaktan ka at alam ko mahirap at hindi madali pero mas mapapadali ang buhay mo kung iaaccept mo nalang ang katotohanan. Palayaan mo ang sarili mo by accepting and moving on. Hindi man ngayon ang panahon pero at some point, kailangan mo eh. Kung hindi man nya pinagbigyan ang last wish mo, hayaan mo nalang. Siguro alam nya rin kung gaano ka nasaktan at alam mo sa sarili mo na kapag narinig mong ulit yung boses nya ay lalo ka lang rin masasaktan. Siguro sapat na yung minahal mo sya nag sobra. Ngayong pamilyado na sya, hayaan mo nalang sya mabuhay at dahil may responsibilidad na sya. Sa ngayon, mahalin mo muna ang sarili mo, hintayin mong maging maayos ulit ang puso mo.
Hindi ako ang makakapagsabi nyan kasi hindi ako ang naging girlfriend nya. Ikaw lang ang makakapgsabi nyan. Pero tanungin mo ang sarili mo ng mga bagay tulad ng 'Kung mahal nya ako talagang magagawa nya ba talaga sakin yun?' 'Naramdaman ko ba talaga na minahal nya ako, sa mga anong paraan nga pala?' Honestly, he does not deserve to be with you at all. You deserve someone better. Yung irerespeto ka, yung iisipin ka muna sa lahat ng bagay na gagawin nya kung makakasabit ba sayo yun or kung makakaapekto ba ito sa relasyon nyo. Nagmahal ka which is normal, nasaktan ka which is natural pero hindi ibig sabihin na isasarado mo na ang puso mo sa lahat ng bagay na darating sayo. Learn from your experience at higit sa lahat, mahalin mo ang sarili mo. Yung mas mahal mo pa sa ibang tao.
Pero dahil sa hindi sa maganda ang kalagayan nya, ipagdasal mo nalang sya. Kahit nasaktan ka, wag mo rin kalimutan magpasalamat sa mga oras na napasaya ka nya. Sa mga oras na napalimot nya ang mga problema mo. Wag kang magtanim ng galit sa isang tao. Ipagpasadyos mo ang lahat Charylisse. Iwanan ka man ng maraming lalake, may isang lalake ang hindi ka iiwanan at yun ay ang panginoon. Sa tamang panahon, darating din ang para sayo. Wag kang mapapagod magmahal, wag ka lang magpadalos dalos sa mga desisyon mo pagdating sa pagibig dahil ang totoong pagibig ay nakakapaghintay at it usually takes time. Kapit lang :) Ang mahalaga, wala kang nagawang masama sa kanya at malinis ang konsensya mo. Nasaktan ka man ngayon, sigurado akong sa tamang panahon, marerealize mo na 'siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon'. Wag kang susuko. Wag ka rin makakalimot. Hindi man ako masyadong nakatulong sayo. Sana napagaan ko ang loob mo kahit papaano. God bless you dear.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...