Teenage love story

119 7 0
                                    

From Nahx3

Hi ate hopya! ^^ pwede pong manghingi ng advice? Kasi ganito po yun, 13 years old na po ako pero may boyfriend ako. Alam ko pong masyado pa akong bata para magkaboyfriend pero mahal ko po eh <//3 Hindi ko po alam kung ib-break ko ba siya kasi sabi ng parents ko, magfocus muna ako sa pagaaral para maging honor ako. Nung naging kami, mas lalong tumaas yung grade ko. Kaso natatakot akong malaman ng mga magulang ko yung tungkol samin ng boyfriend ko. Kasi nalaman na po ng magulang ko yung patagong relationship din ng ate ko. Ano po bang dapat kong gawin? :o

-----------x----------x

Sure ba :) Okay, to start off with its good na alam mo na bata ka pa para magkaboyfriend. Alam ko yung feeling mo na ginaganahan ka kasi sya ang inspirasyon mo, sya ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang mga grades mo. PERO, tama ang parents mo na kailangan mo muna mag-focus sa pag-aaral. Pwede mo naman pa rin siguro sya maging inspirasyon kahit wala kayong relasyon hindi ba? Pwede mo syang kausapin tungkol dito and hope na sana maiintindihan nya yung dahilan mo. Pero alam ko rin bilang isang teenager na if we go through break-ups pwedeng pwede na maapektuhan ang pag-aaral mo kasi mahihirapan ka mag-focus at malungkot at syempre masakit. The thing is, maraming opportunity pa na darating sayo dahil bata ka pa at importante pa rin talaga na makinig ka sa magulang mo. Remember, wala silang masamang hangarin para satin. What you should do is lie-low lang muna kayo ng boyfriend mo. If possible at kaya mo na kausapin mo sya tungkol dito. Alam ko madalas mo na to marinig sa ibang tao pero para lang maiba, normal ang mainlove at kasama yan sa pag laki. At masarap magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Nakakainspire hindi ba? Pero wag ka masyadong magpapakasigurado dahil sa love, walang sigurado at walang permanente. Kaya wag mong hahayaan na lumamang ang lovelife kesa sa pag-aaral. Siguraduhin mo na secure ang future kesa sa secure ang lovelife mo. Ang education is for a life time pero ang lovelife hindi. To tell you a story, ganun din ako eh. Nagkaroon ako ng boyfriend at the age of fifteen. Hindi ko tinago sa mga magulang ko, sinabi ko rin ng mga ilang months na kami at syempre pinagsabihan nila ako na makipag-break muna kasi bata pa nga ako. At oo, mahal ko yun pero hindi ko kayang suwayin yung parents ko. Iniyakan ko yun, nasaktan ako at sobrang broken. Pero nung naisip ko lahat ng mga pangarap ko sa buhay, nahanap ko ulit yung focus ko at mas ginanahan akong mag-aral. Hindi ako nagsisisi na sinunod ko ang magulang ko.

Basta alam mo ang priorities mo sa buhay, sigurado akong gagawin mo ang tamang desisyon para makamit ang mga pangarap mo. Always do your best no matter what :) Sana nakatulong ako :) God bless you dear.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon