From Cecile
Hopya paano ba maiwasang mainlove sa taong mahal mo na? Ganito kasi yun ate. Katulad ng maraming magbestfriends, kami ng bestfriend ko na si Leona ay nangako na kahit kailan hindi kami makikipagrelasyon sa isang lalake lamang. Dati naisip ko na parang ang babaw naman nun, na imposible naman yata mangyari yun.
Hayss. I've spoken too early. Si Leona kasi ay merong 'boy toy' sa bawat place na puntahan niya. Ewan ko ba dun kung bakit ganun yun pero syempre bestfriend ko sya so hindi ko na sya kinokontra. Anyway, ayun nga. Since mayaman ang pamilya nya, kung saan-saan lang sya nagbabakasyon. Sa dami ng naging lalake nya yung iba hindi niya na matandaan. Pero may isang lalake sa campus namin na sineryoso nyang mahalin pero never naman silang naging magkarelasyon. Choosy nga kasi si Harry.
Napakagwapo nito, mabait, matalino, sporty at marami pa. Halos perfect na nga eh. Hindi ko naman ipagkakaila na meron akong gusto kay Harry pero sakin na yun. Senior na kami this year in out HS years at hindi ko akalain na manliligaw sya sakin. As in out of nowhere bigla niya akong binibigyan ng mga rosas, chocolates, dinadala ang gamit ko hanggang sa umamin sya sakin. Syempre naging usap-usapan kami at hindi yun nagustuhan ni Leona. Sabi niya kapag sinagot ko daw si Harry ay kalimutan ko nalang rin daw sya. Dahil nga sa naging espesyal si Harry para sa kanya. Pero paano naman ako? Palagi nalang ako ang nagiging considerate sa kanya eh. Feeling ko kasi ang sama ko namang kaibigan kung sasagutin ko si Harry! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Hindi ko talaga alam.
-------------------------x-----------x
Hi Cecile. Yung sagot ko sa tanong mo: Edi wag kang mainlove sa taong mahal mo. Jokes :) Ang masasabi ko lang, kapag puso na ang nagdikta, wala ka ng magagawa pa. Pero syempre, kung gugustuhin mo talagang iwasan sya eh gagawa at gagawa ka ng paraan. Ang tunay kasi na kaibigan ay nirerespeto ang kasiyahan ng isat-isa pero bilang isang kaibigan din, kailangan alam mo rin kung saang punto sya pipigilan. What I mean is yung pipigilan ang isang tao sa bagay na alam mong makakasama sa kanila.
It won't make you a bad friend. Kapag inagaw mo sya sa bestfriend mo, yun ang badfriend pero since wala naman silang relasyon in the first place wala naman akong nakikitang masama kung sasagutin mo si Harry. Pero ang tanong. Sino ba ang mas matimbang sa bestfriend mo at kay Harry. Kung kaya mo pang pakiusapan ang bestfriend mo then do it. You don't have to lose someone just so that you can be happy with another person. Talk it through with her. Minsan hindi mo naman talaga kailangan mamili eh, nagagawan yan ng paraan. I'm sure you know your bestfriend enough to know what to say and that you don't want to lose her. Iparamdam mo sa kanya na importante din sya sayo.
Naiintindihan ko ang bestfriend mo kasi syempre naging importante si Harry sa bestfriend mo at masakit para sa kanya na makita kayong magkasama ni Harry. Best thing to do is to talk to her. Dapat nga maging supportive ang bestfriend mo sayo eh pero alam ko rin na masakit yun para sa kanya. Take some time to think things through. Alam ko nakakaloka pero it will give you satisfaction in many ways.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...