Kapag napaglaruan ka nga naman ng Tadhana

276 6 0
                                    

From Sharyliz

Hello po ate Hopya! Ang ganda po nung mga books ninyo. New reader lang po ako, and I find Hopya’a Book of Advice very amusing at nakakarelate din po ako. :) Kaso po, ako rin ay nangangailangan ng advice. Sobra po kasi akong nasaktan sa nangyari.Magkaibigan po ang parents namin. A main reason kung bakit kami nagkakilala. Unang tingin pa lang, may iba sa treatment nya sakin.Nagbigay sya ng mga motibo sa akin. So umasa ako. Hanggang sa mahal ko na nga siya. Tapos there came a day na hindi nya na ako pinapansin. Hindi na ako kinakausap. Para bang iba na ako. Naasar ako. Pero nadurog talaga yung puso ko nung nalaman kong may girlfriend na sya. I had much pain. Ang sakit ate, feeling ko nanakawan ako ng isang milyon. :( So I decided to tell him. Para ma-clear na talaga. Kaso ate pinagtawanan niya ako. So sinabi kong joke lang. No hard feelings, so I decided to move on na talaga. After a year na naka-moveon na ako, nagkita kami ulit. Dating-gawi di nya ako pinapansin. Pero ang iba lang, ako na ang umiwas. Pero bakit ganun ate? Tumitibok pa rin. Tapos umalis na sya. Alam kong after __ years na uli kami magkikita, and I was hoping for myself to move on. But something happened, nalaman ko sa mommy nya na mahal nya pala ako dati. Nasaktan na naman ako ate. :( Feeling ko ang tanga ko talaga. Pero wala naman akong mali diba? Nagmahal kami pareho. Pero hindi pwede. At yung first girlfriend pala nya na yun, panakip-butas lang sakin. So naghangad na lang akong maging free. At dun ginawa ko ang tama, which is sabihin sa kanya ang totoo. Inamin ko sakanya through chat. Nagpalusot pa nga sya eh, nawalan daw sila ng net pero online. Sabi niya okay lang naman daw. Pero bata pa ako. Lahat ng posts nya ngayon hindi na patama sa 2nd gf nya, kung hindi sa akin na. Ayoko nang manatiling heartbroken ate. Kasi feeling q ako ung reason kung bakit sila nagbreak nung 1st nya. :( Ayoko nang manatili sa hawla niya. I want to be free, pero parang kinukulong nya pa rin ako.

From Hopya

Hi Sharyliz. Thank you so much for this :) Salamat sa mga compliment, I really appreciate it. <3

Napansin ko lang na parang pilit kayong pinaglalayo ng tadhana, na para bang nagkakasalisi kayo sa pag-amin. Pero sa nakikita ko, mahal mo talaga sya eh. Yung parang sya na talaga sa paningin mo. Mabuti at inamin mo yung tunay mong nararamdaman para sa kanya kasi ayun ang first step para makamove on. Kasi mahirap sa loob talaga ang may hindi nasasabing feeling para sa isang tao na naging parte na ng buhay natin.

Ang isang ibon, kapag kinulong sa hawla minsan ay umiiyak, nagwawala, nalulungkot at kung ano-ano pa. At alam ko na similar lang sa isang ibon na nakakulong ang nararamdaman mo. Pero ang isipin mo, tao ka, hindi ka ibon at alam mong merong paraan para makalaya ka sa kanyang hawla. Alam mo sa loob mo na kaya mo pero hindi mo lang alam kung paano. You need time to figure things out, ang sagot sa isang bagay minsan ay hindi madaling mahanap. Minsan nasa harap na pala natin pero hindi pa rin natin makita. Gawin mo kung ano ang dapat mung gawin at unahin. Ifocus mo ang atensyon mo sa ibang bagay tulad ng studies, hobby or even sa barkada. Iwasan mong isipin sya. Alam kong hindi madali ang hindi sya isipin pero subukan mo.

Wag mong sisihin ang sarili mo sa paghihiwalay nila ng first girlfriend niya. Hindi mo kasalanan yun, yung friend mo ang nagpasya na makipagbreak at tulad ng sabi mo, panakip-butas lang nito ang first girlfriend nito therefore malaki talaga ang chance na hihiwalayan niya rin ito. Don’t feel bad kasi nagbreak sila dahil na rin sa ginusto yun nung guy. Hindi mo naman sila pilit na pinaghiwalay hindi ba, so wala kang dapat ika-guilty.

Kung gugustuhin mo, kakayanin mo. Kung ayaw mo ng maging heartbroken, do something about it. Maraming paraan para makawala sa cage na kung saan ka nakakulong. Kapag nalampasan mo ito, siguradong darating ang araw na malalaman mo ang rason kung bakit patuloy kayong pinaglalayo ng tadhana. Stay strong and have faith. Magtiwala ka sa sarili mo na malalampasan mo ito. Hindi ko sinasabing magiging madali ito pero alam kong kakayanin mo.

-Much love Ate Hopya

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon