Piece of Self Esteem

279 11 0
                                    

Anon..

HOPYA <3 pano kya ko magkakarun ng confident? feeling ko kc ako ung pinaka panget na tao eh..tas minsan naiisip ko pinagtatawnan ako ng ibang tao.. staka parang pakiramdam ko lagi sinisiraan ako ng ibang tao haaaay ewan ko ba.. tnx :)

------------------x----------x

Hello. Bakit sino nagsabing panget ka? Papaslangin ko dali! :) Jokes lang. Pinapangiti lang kita :) Alam mo hindi ka nag-iisa sa mundo na nakakaramdam ng ganyan. Wag mung iisipin ang iniisip ng ibang tao, ang mahalaga masaya ka sa kung ano at kung sino ka diba? Minsan kasi mahirap din humanap ng confidence pero basta kung may tiwala ka lang sa sarili mo, yun ang first step mo para sa level up ng confidence mo. Pero take note ha, hindi maganda ang over sa confidence. Basta tiwala ka lang sa sarili mo. :)

Hayaan mong tumawa ang ibang tao, ganyan talaga ang mga taong walang magawa sa buhay. Ang mahalaga kasi ay yung tiwala mo sa sarili mo. Basta alam mong wala kang ginagawang masama, oh kaya naman di ka nakaka-argabyado ng tao wala kang dapat ikabigat ng loob. 

Yung mga taong naninira sayo? IGNORE! Wag na wag mo silang pag-aaksayahan ng panahon kasi ganyan talaga ang mga taong insecure. Sinisiraan ka nila kasi hindi nila matanggap na meron kang mga bagay at katangian na wala sila. Sinisiraan ka nila kasi alam nilang hindi nila kayang maging isang mabuting taong katulad mo kaya pinipilit ka nilang hilahin pababa sa putikan. Wag na wag mung hahayaan na madala ka sa mga sinasabi ng iba.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon