Bestfriend VS. Boyfriend

379 12 0
                                    

From Gizelle L.:

Matagal na kaming magkaibigan ni Patty, since birth yata. Lahat ng bagay ginagawa naming magkasama, walang iwanan, best friends for eternity. At lalo na, hinding-hindi namin hahayaan na may lalake na makasira sa pagkakaibigan namin. Lahat ito pinangako namin sa isat-isa mula ng mga pagkabata pa namin.

Ngayong College na kami, at mas may isip na mukhang ngayon pa yata kami magkakagulo. At dahil sa isang lalake pa. Sikat sya sa campus namin, at crush na crush namin sya ni Patty. Parehas kaming cheerleader ni Patty at lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng bagay. 

Nagbago lahat ng yon ng biglang maging close sakin yung crush namin. Madalas akong niyayaya ni crush every lunch, si bestfriend naman pinagtutulakan ako kay crush. Sabi niya ayus lang daw sa kanya yun: “Sige lang friend! Gora lang! Pagkakataon mo na yan, wag mo akong alalahanin. Diba nga bawal makasira ang guy sa friendship natin?” Pero nitong mga nakaraang linggo iba na ang kinikilos niya kapag kasama ako. Pakiramdam ko lahat na ng ginagawa namin together naging competition na. Hindi na sya nagpapatalo. Sa cheerleading, sa subjects namin at lalo na sa mga kaibigan namin. Madalas na niya akong pagtutulukan sa crush namin noon na ngayon ay boyfriend ko na. 

Nasasaktan ako Hopya sa mga ginagawa niyang pag asta sa akin. Lalo na kapag sinasabi niya “Dun ka na sa boyfriend mo, magselos pa samin yun ee.” Kahit alam kong may kasamang care yung pagtataboy niya sakin hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan. Ang hirap-hirap na sa loob, hindi ako makatulog. Napagiisipan ko nga minsan na ibreak nalang yung boyfriend ko eh. First boyfriend ko pa naman sya kaya nahihirapan akong mamili sa kanila ng bestfriend ko. Paano ba ito Hopya? Hindi ko na yata kakayanin. Minsan pakiramdam ko layuan ko nalang kaya silang dalawa? Litong-lito na talaga ako.

:((((

----------------------x-----------------x

From Hopya:

Sa panahon natin ngayon napaka-common na ng problemang ito. Why let a guy ruin a friendship that you’ve treasured in a long period of time? Pero syempre tao lang tayo at naiinlove. Sabihin na natin na parehas niyo syang crush pero diba ini-encourage ka pa nga niya? So bakit sya biglang magagalit sayo? Hindi naman kaya nago-over think ka lang dahil nga sa lagay niyo ngayon? If that’s the case, pagusapan niyo, magbestfriend naman kayo diba? Ano pa ba ang ikakahiya niyo sa isat-isa? As much as possible try to keep them both, wag yung iisipin mong iwanan silang dalawa dahil lang sa naiipit ka na. Lahat ng problema may sulusyon teh, wag lang padalos-dalos ng pagdedesisyon.

Malamang mas marami kayong pagdadaanan lalo na at tumatanda kayo, mas nagkakaisip kayo at nagbabago ang tingin niyo sa isang bagay. Hindi na puro laro at puro harutan na parang mga bata, ngayong mga teenager na kayo, minsan ang simpleng laro at harutan ay nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan minsan away. Ngayon na mas mautak na kayo, dapat TRY YOUR BEST na maintindihan niyo ang sitwasyon ng isat-isa. Challenges lang yang dumaraan sa inyo, gawan niyo ng butas at pagusapan niyo. I’m sure lahat nadadaan sa matinong usapan diba?

Alam ko yung feeling na nasasaktan ka pero hindi ka sigurado kung alam nilang nakakasakit sila. Hindi mo nga alam kung nananadya na sila, na takot kang magtanong kasi baka isipin nila OA ka? Pero sa sitwasyon niyo alam ko at alam mo na nasaktan din sya ng malaman niyang kayo na. Intindihin mo rin sya, magsorry ka kung kailangan. Kung mahal mo ang bestfriend mo, you’ll find a way na magkaayos kayo or magkaalaman ng tunay na feelings niyo sa sitwasyon niyo ngayon.

You are the most beautiful flower in my garden of friendship, please remain the same forever.  

A quote I made up especially for you and your bestfriend. All the best. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon