Helbert
Miss Hopya, I need your help. x( Mahal ko ang asawa at anak ko pero pinagtabuyan nya na ako noon pa man. Sinabi nyang maghanap ako ng iba kasi dun ako magaling so pinatunayan kong magaling nga ako dun at na hindi ko sya kailangan. Nakilala ko si Leny. Mabait sya at mapagmahal. Nangibang bansa ako at naiwan sya sa pinas. Patuloy ko pa rin naman sinusuportahan ang pamilya at anak ko pero mas malaki ang natatanggap ni Leny. Pero nung mga nakaraang araw, nagkalabuan na kami ni Leny. Hindi ko na matanggap ang mga pinag-gagagawa niya sakin. Pine-perahan nya lang ako Hopya.
Apat na taon din kaming magkarelasyon ni Leny. Nagi-guilty ako sa ginawang kong pag-tiis sa anak ko para lang masunod ang luho ni Leny. Hindi ko kinaya kaya pinakulam ko sya. Hindi ko alam kung ipapagpatuloy ko pa yun oh hindi. Hindi pa naman daw nag-aasawa yung asawa ko. Nagsesend sya ng mga sweet messages na welcome daw ako sa bahay na pinagawa ko na tinitirahan nila ngayon. Anong gagawin ko Hopya? Uuwi ako ng pinas ngayong December para ayusin itong lahat, ano ba ang mga dapat kong ayusin sa tingin mo?
-------------x---------x
Naks! Masunurin lang kuya? Ganun? Kapag pinagsabihan ka naming mga babae na maghanap ka ng iba, ibig naming sabihin nun ”tanga ka talaga! Iparamdam mo samin na kami lang talaga at wala ng iba.” Hindi yung tototohanin mo nga. Kuya talaga! Sa apat na taon nyong pagsasama ngayon mo lang narealize na manloloko pala sya? Haaay kuya. Apat na taon kang bulag. Kuya mali na tiisin mo ang anak mo. Iniwanan mo na nga sya, tiniis mo pa. Eh kung yung mga binigay mo para sa luho nya eh pinadala mo nalang sa anak mo, edi nagamit pa sa maayos diba? At bakit mo pa naman pinakulam? Ano naman ang mapapala mo dun? Walang self satisfaction dun kuya kundi guilt lang.
Unang-una mong dapat ayusin ay ang sarili mo. I’m sure hindi ka na binata kuya at meron kang anak na umaasa sayo. Pangalawa, ayusin mo ang pamilya mo. Buohin mo ulit ito. At for once, hindi lang ikaw ang sasaya. Ang unang-unang sasaya sa pagbuo mo ng pamilya mo ay ang anak mo. Mahirap kaya lumaki ng kulang ang pamilya. Merong mga batang makikitid ang utak na aasarin ang mga batang katulad ng anak mo, ipapamukha sa mga na katulad ng anak mo na kulang at disfunctional ang pamilya nya. My main advice is balikan mo ang family mo. Isa pa, kung gusto mo lang gantihan si Leny ay wag nalang rin. Nag-aaksaya ka lang ng panahon. Try to make up for the time that you lost with your child. Mas kailangan nya ang time mo kesa sa Leny mo.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...