Personal Sentiments of the Author

161 4 0
                                    

"Lagi mo nalang sinasabi na mahirap ang long distance, lagi mo nirereklamo na miss na miss mo na sya, eh kung umuwi ka nalang."

"Sabi buo daw ang tiwala pero siguro puro duda ka rin."

"Daming arte, uso namang umuwi. Uwi-uwi din pag may time."

I was never that type of person who gets easily affected with what other people say about me, good or bad, I use to not care. Mother said that it is quite ok to take notice of the bad things but its not ok to let them get the best of you. 

Oo, naiinis ako kapag nakakakuha ako ng mga ganitong comment. Oo nasasaktan ako kasi feeling nila alam nila ang pinagdadaanan ko. HA! Yuck! Nahihiya ako magsentimyento dito in public but at some point, you'll have to understand my side. 

Sana nga ganun lang kadali sabihin na "Miss na kita, uuwi nalang ako." There are those times where we're skyping in the middle of the night, we'll be staring in our own screen looking at each other's faces, someone would mutter "I miss you so much, uwi ka na Ma." Walang pagkakataon na hindi tumulo ang luha ko sa tuwing nararamdaman ko na nahihirapan yung lalakeng pinakamamahal ko. Naninikip yung dibdib ko kapag sinasabi nya sakin "Ma, uwi ka na please" habang nanginginig pa ang boses nya. Naiiyak ako kasi alam ko na parehas yun ang inaasam-asam namin pero alam namin pareho na hindi maari, na sa kasalukuyan walang posibilidad. Sana ganun lang kadali na umuwi, sana parang probinsya lang ang layo namin. Puro nalang sana, nabubuhay kaming dalawa sa salitang SANA. 

Narinig mo nyo na ba yung salitang sakripisyo? Walang araw na dumaan samin na wala kaming kailangan isakripisyo. Araw-araw, isa samin ang kinakailangan magbigay, magpaubaya at umintindi sa maliit man o malaking bagay. We both have to compensate when it comes to time, duties and responsibilities. Mainly kasi four hours of time difference, I have to study (University Student which makes it even more difficult to compensate), and our duties to both our families. 

We've been away for almost 16 months now buw we're strong as we've always been. Mahirap ang connection most of the time pero wala kaming magagawa kundi ang mag-tiis. Kung tutuusin, wala pa kami sa kalahit ng laban namin eh, hindi ko na rin masabi kasi pwede naman magbago ang ihip ng panahon at magkaroon ng miracle tapos makahanap ako ng employer para sa kanya tapos mapaaga ang pagpunta nya dito diba? Gabi-gabi dasal ko yun. Gabi-gabi yun ang ini-emote ko kay Papa God. Alam ko naman na naririnig nya lahat ng dasal ko na yun, marami lang talagang nagwi-wish pa at nasapila pa rin ang dasal ko. Darating din yung araw na matutupad yun. 

Sa mga nagsabi nun, sana wag kayong malagay sa sitwasyon na inaakala nyong madali. I don't have anything against sa mga nagsabi nito, I just wish hindi kayo ang makaranas. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon