From Anon
Marami akong blog na hinalungkat makapaghanap lang ng tamang taong paglalabasan ko ng problema ko. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sisimulan ang pagsasaad ko sa malaputang ina kong buhay eh. Pasensya ka na sa salita ko ha? Nabasa ko kasi ang mga advice mo sa napagdesisyunan ko na sayo ko nalang isasaad ang kwento ko.
High school student ako at senior na this year at may reputasyon ako sa school namin. Ang galing nga eh, simula Grade 1 hanggang 2nd year ako nagaral sa eskwelahan na yun at namumuhay at nagaaral ng malumanay hanggang isang araw nainlove ako. Hindi lang naman isang araw ko lang nakita yung lalaki tapos na inlove agad ako. Hindi ganun. Grade 1 palang ako crush ko na sya, secret admirer nya ako. Parang ang gaga ko nga kasi tuwing valentines day ay nagiiwan ako ng bulaklak at sulat sa kanya hanggang sa umabot kami ng 3rd year. Sobrang gwapo niya at sobrang panget ko. Contrast diba? Parang black and white lang. Lagi niya noon sinasabi na papakasalan daw niya yung babae na yun, nanatili akong tahimik, walang imik, lagi lang nakikinig sa mga sinasabi niya. Nung first year kami sabi niya handa syang magbigay ng pabuya sa makahanap sa secret admirer niya, at kapag nagpakilala daw ang secret admirer niya sa kanya ay idedate daw niya at ang secret admirer daw niya ang magiging first girlfriend niya.
Maraming babae ang nagpanggap na ako, meron pa nga eh yung presidente ng klase namin na nagpahuli pa sa crush ko na naglalagay sya ng bulaklak sa upuan ni crush. Natatawa lang ako ng sobra kasi napakaobvious nya super. Eto sabi niya nung mahuli sya ni crush “Ay anu ba yan, nahuli mo na ako! Sayang simula grade 4 ko pa naman ito ginagawa. Ayan nahuli mo na ako. So tayo na ba?” Haha! Galing umakting ano?!
Tang ina! Hindi mo lang alam kong gaano ko halos ikamatay ang kakaisip kung magpapakilalaba ako sa kanya oh hindi. Wala kasi akong kaibigan sa school namin kasi nga panget ako, wala akong makausap tungkol sa mga ganitong bagay. Marami lang akong nagiging kaibigan kapag may projects at essay kami.
Yung mga paratang nya na kapag nakilala niya yung secret admirer niya ay shoshotain nya, DREAM COME TRUE yun para sakin Hopya! Grabe! Pero sa kakulangan ko sa kagandahan alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan. Alam kong ikakahiya ko lang ang sarili ko kapag nagpakilala ako. Walong taon ko na iyong ginagawa, pero lahat nagbago nung 3rd year na kami.
Nalalapit nanaman ang valentines day namin at napagdesisyonan kong old style parin ang gawi ko. Roses at sulat. Tulad nga ng dating gawi, madaling araw akong pumapasok para lang maihulog yung sulat at bulaklak, matalik kong kaibigan ang janitor ng school namin dahil sya lang naman ang nakakaalam ng gawain kong ito simula pagkabata ko. Sya lang din ang kasama ko tuwing lunch time. Si mang Toto lang ang bestfriend ko sa school. Ang galing din niya sa maths kaya minsan sya ang nagtuturo sakin. Nung Feb 14th 2011 parang iba ang ihip ng hangin, ng pinapasok ako ng Mang Toto sa school ng 5AM ng madaling araw parang hindi niya ako matingnan sa mata, ni hindi man lang niya ako binati ng magandang umaga. Pero hindi ko na pinansin pa yon. Dating gawi lang. Ilalagay ko sa locker niya ang sulat at roses at uuwi na ulit ako. Pero malamig ang umaga at iba ang ihip ng hangin. Parang pahalang.
“Yuck! Ikaw ang secret admirer ko?! Sana naman maaga ka nagpakilala. Tang ina halos buong buhay ko ikaw ang nasa isip ko tapos ngayong mga matatanda na tayo tsaka ka magpapakilala? Sinayang mo yung oras ko! Sinayang mo ang pangarap ko! Patahi-tahimik ka sa isang tabi tapos binabalewala mo ang mga alok ko sa lahat sa inyo na magpakilala ka kasi natutuliro na ako! Ilang taon mo akong niloloko na maganda ka! Na ikaw na nga sya talaga. Alam mo bang diring-diri ako sa sarili ko ngayon? Kung hindi mo alam at least ngayon alam mo na!”
Ansarap lang paulit-ulitin ng mga makabagbag damdamin niyang talumpati ng makilala niya ang prinsesa ng buhay niya. Grabe! Pakiramdam ko ay para akong natutunaw na kandila. Pakiramdam ko tumugil ang mundo ko. “Yuck” daw ako. Putang ina ang sakit sa puso. Lahat ng laman loob ko nasaktan hindi lang puso ko. Isa pa hindi ko naman sya pinaniwala na maganda ako ah! Lagi lang nakasulat sa mga sulat ko “Happy Valentines day Crush! From your secret admirer” Ayun lang! Pero hindi ako nagpatalo sa nararamdaman ko at pumasok pa rin ako kinabukasan. Kaya pala ganun nalang katahimik si Mang Toto, may alam pala sya. Hindi man lang ako pinigilan.
Pakiramdam ko lahat ng tao tinatapakan ako. Dumagdag pa sa araw na iyon ay nakalat ang balita na hindi na daw ako virgin at nagpapabayad daw ako para makipagsiping sa mga lalaki sa campus namin. Pinandirian ako, hindi nilapitan, pati mga guro hindi ako tinatawag kapag may recitation. Hanggang isang araw lumapit itong kaklase ko na parang unwanted din. Nagmakaawa sya sakin na pumayag daw akong ipakalat na may nangyari samin, gusto lang daw niya magkaroon ng kaibigan. Mga putang ina kasing mga lalaki feeling nila kapag hindi na sila virgin ay astig na sila. Pumayag ako. Hindi dahil sa handa syang magbayad kundi dahil alam ko ang hirap na pinagdadaanan niya. At doon na nagsimula ang chismiss. Na isa akong prostitute. Ito ang reputasyon ko. Hanggang sa isang araw napagdesisyunan ko na kung ganun ang tingin nila sakin edi bakit hindi maging ganun. Nagpaganda ako, make up, lips stick, maikli na palada at masisikip na damit. For once in my entire life, matatawag ko na ang sarili kong maganda.
Sunod-sunod ang mga nagmamakaawa sakin na sabihin ko daw na may nangyari samin kahit wala naman kapalit ng pera nila. Lalo akong isinuklam ng mga babae sa campus namin pero mas lalo naman akong minahal ng mga lalake sa campus namin.
You see Hopya, hindi naman ako humihingi ng advice sayo, gusto ko lang may mapagsabihin nito. Ayus lang na husgahan mo ako, sanay naman na ako. Si crush ko? Nagmamakaawa at humihingi ng patawad. Mahalin ko na daw sya at nagsisisi daw sya sa mga sinabi niya sakin. Impokrito ang puta. Ang galing diba Hopya? Parang noon invisble ako, pero ngayong nagbago ako sobrang sikat ko. Pero syempre kapag sikat merong haters. Hanggang ngayon inaalagaan ko parin ang reputasyon ko bilang Miss Bitch ng aming school and I’m loving it. Salamat sa time mo Hopya. Hindi ako umaasa na magbibigay ka ng advice, infact hindi ko nga kailangan ng advice. Pwede mo naman itong ipost. Ok lang sakin.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
NonfiksiA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...