The Beauty Within

224 5 0
                                    

Lyza

Masaya siguro ang buhay ng mga taong magaganda ano? Hindi sila inaapi, hindi sila nilalait at higit sa lahat ay palagi silang binigyan ng atensyon. Haays. Mahimbing siguro ang tulog ko ng nagpaulan si papa God ng kagandahan. Lahat ng tao sa paligid ko, nilalait ako, kunti lang ang kaibigan ko. Nakarelate nga ako dun sa kwento sa isa sa mga chapter sa 'Hopya's book of Advice' mo yung 'From Nothing To Something'. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya dahil hindi rin ako maganda. Mataba ako at maitim. Inshort, BALUGA ang tawag nila sa akin. God gave you beauty and a kind heart. Eh ako? Wala!! Merong kind heart pero never naman akong napansin. Sa lahat ng magagandang bagay na ginagawa ko ay walang napansin kasi mas napapansin nila ang kapangitan ko. Ikinukwento ko lang naman po. Ok lang kahit walang advice.

---------------------x--------x

Hi Lyza,

You're beautiful to me and in our Saviour's eyes. Hindi lahat ng maganda ay masaya. Isa pa ginawa tayong even ni God, para sa kanya lahat tayo ay maganda. Hindi sa pisikal na anyo ng tao nakikita ang tunay na kagandahan ng tao. Tandaan mo yan ok? Kung gaano kaganda at kabusilak ang iyong kalooban ay sya ring kagandahan ng iyong buong katauhan. Ang mga taong nanglalait na panget ang isang tao ay makikitid ang utak. Physical lamang ang basehan ng nila ng kagandahan at hindi iyon sapat para masabi na ang isang tao ay panget. 

Thank you for your compliment. Pero to be honest, I don't like being called maganda. Nagpapasalamat ako kapag nasasabihan ako nito dahil na-aappreciate nila kung ano man ang nakita nila sakin pero deep within me, iniisip ko na hindi ako maganda. Simple lang kumbaga. Do what you would like other people to remember you as. God gave you a kind and beautiful heart and looks shall not matter. To me, everyone is beautiful, excpet sa isang taong ayaw ko talaga, pero seriously, don't think too low of yourself. Just be you. Wag mong pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao kasi hindi mo sila kailangan para mabuhay. Hindi ko sinasabi ang mga ito para pasiyahin ka pero to make you realize that you're beautiful. I only speak nothing but the truth. Lahat ng sinasabi ko ay pawang opinyon ko lang at yun ay mga prangka kong opinyon. God loves you Lyza and so do I :))

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon