From Anon.
Ate penge nmang advice :( 1 year & 5 months na kmi ng boyfriend ko pero nagbreak kami ngaung april! Wala kaming formal breakup ksi bgla na lang syang di nagpramdam. Tapos bgla ko na lang nlman na may nlalandi na sya! Ilang beses ko na sya npagbgyan ilang chances na din ung nsyang! 2 beses na nya kong niloko pero pinagbbgyan at pinapakinggan ko pa din ung mga paliwanag nya pinipilit ko nman syang intndhin kaya lang.. Parang ang labo! Kasi di ko alam kung bakit di sya makuntento? :’( Tapos ngayon nagppramdam na nman sya na babalik sya skin!
-----------------x------------x
Hopya:
- Kung niloko ka na nga ng 1st meron pang 2nd malamang meron pang 3rd, 4th 5th. You deserve better. Hindi mo kailangan ng lalaking walang ginawa kundi saktan at paniwalain ka sa mga kasinungalingan nya. Maganda kang babae at sigurado akong may isang lalaki dito sa mundo na ikakamatay kapag nawala ka sa buhay niya, hindi yung kasama mo na nga pero kung saan saan naman naghahanap ng pagmamahal. Alam ko mahirap nalang bastang iwanan yung mahal mo lalo na at matagal pa ang pinagsamahan niyo pero kung hindi niya kayang gampanan ang pagiging boyfriend niya sayo ano pa ba ang dahilan kung bakit pa kayo magsasama? Nasasayo parin ang desisyon kung tatanggapin mo sya oh hindi. Opinyon lang naman yung akin pero ikaw pa rin ang magdedesisyon sa huli. Alam ko naman na gagawin mo ang nararapat. Sana nakatulong ako. Godbless. More Power and stay strong palagi.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...