Hanggang Kamatayan

347 11 2
                                    

From Chierelyn,

Ilang buwan na ang makalipas ng mamatay ang bff ko na si Iza. *sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa* Kahit hanggang ngayon ay hindi ko aakalaing kukunin agad sya samin ni God. Isa akong 3rd year College student at naging magkaibigan kami ni Iza nung mga College freshmans kami, sya ang palagi kong kasama kahit saan man kami magpunta. Nitong Pebrero lang sya nasangkot sa isang car crash sa Baguio na ikinamatay niya. Pauwi na sya galing sa isa sa mga seminar na pinuntahan niya para sa mga high ranked student sa campus namin.  Nakakalungkot talaga ng sobra kasi napakabait niya sakin, napakatalino niya, matulungin at napakaHumble na kaibigan.

Nandito lang naman ako para humingi ng advice. Hindi kung paano magMove on sa pagkawala ng kaibigan ko kundi para sa gulo na naiwan niya dito sa mundo. Ilang linggo pa lamang ng magpaenroll ako at dumaan ako sa locker niya para linisin ito at doon ko natagpuan ang journal niya. Nung una balak kong ibigay ito sa pamilya niya pero naaalala ko yung mga araw na matahimik niyang babasahin yung journal niya tapos napapapatawa nalang ng parang loka. Napagisipan kong dalawin si Iza sa sementeryo, bumili ako ng bulaklak at paborito niyang chichiria na Boy bawang.

Dahil sa alam kong gusto niyang binabalik-balikan ang Dairy niya kaya binasa ko sakanya ang Dairy nya mula nung mga Entry niya ng January. Nagulantang nalang ako ng makita ko ang picture nila ng boyfriend kong si Trevor. Akala ko naman noong una friendly pictures lang yun pero hindi na eh palaging si Trevor ang nakasulat sa mga entry nila, kung paano sila nagdate, naghalikan, at pati ang nangyari sa kanila. Wala akong masabi ng mga sandaling iyon kundiPutang ina lang talaga! Ang sakit nun eh! Sarili kong bestfriend nagawa sakin yun. Ang boyfriend ko nagawa akong lokohin at ang bestfriend ko pa ang kinana niya. Hayop lang talaga. Simula noon hindi na ako bumalik sa puntod ni Iza. Hindi ko kaya. Gabi gabi ko sya kinakausap at tinatanong kung bakit  niya nagawa sakin yun. Hindi naman sa masama akong tao pero minsan  naiisip ko na iyon ang karma niya. 

Sa ngayon, hindi ko alam kung ibbreak ko ba si Trevor o hindi. Mas lalo syang naging sweet sakin mula ng mawala si Iza, kaya pala! Kasi wala na si Iza, ngayon naman ako? Pakiramdam ko rebound lang ako. Gusto ko man syang ibreak alam kong hindi niya kakayanin na mawala pa ako sa kanya. Matagal din ang pinagsamahan namin  ni Trevor. Napagisipan ko na hindi nalang sabihin sa kanya yung nalalaman ko tungkol sa bestfriend ko. Tama ba yun? Para din naman sa ikatatahimik namin yun diba?

From Hopya,

Hello Chierelyn. I’m really sorry about what happened to your bestfriend. Condolence nalang. Kung tutuusin mahirap ang malagay sa sitwasyon mo, alam kong mahirap kasi alam kong gusto mo syang ikompronta tungkol dito. Sa tingin ko tama at mali ang desisyon mo. 

Tama na hindi mo sya hiwalayan kasi wala namang maidudulot na maganda yun sa relasyon niyo ngayon. Pero mali na hindi mo aminin sa kanya na may alam ka na tungkol sa kanila ng bestfriend mo. Sinasabi ko sayo na hindi lang ikaw ang mahihirapan. Kasi kung itatago mo yan at tinatago niya yun sayo, parang mga tanga lang kayong nagtatago ng sikreto sa isat isa. Sigurado akong maaapektuhan ang relasyon niyo lalo na kapag meron kayong hindi pagkakaintindihan, maiisip at maiisip mo yung mga maling ginawa niya sayo, pero kung bibigyan mo sya ng pagkakataon na magpaliwanag sayo ng saganun mapagusapan niyong mabuti at tsaka ka magdecide kung karapatdapat ba syang patawarin oh hindi. Masasaktan din si Trevor kasi the whole time meron ka palang alam pero wala ka manlang nasabi sa kanya, masakit yun eh.

Kung ano man ang kasalanan ng bestfriend mo pinagbayaran niya na yun ng bigtime. The best advice I can give you is kausapin mo si Trevor at tsaka niyo pagusapan iyan ng mabuti. Hindi ko lang sigurado kung matatahimik ka kung itatago mo yan kay Trevor, the more na itago mo ito the more na maiisip mo ito at sigurado akong hahantingin ka nito sa pagtulog mo. Ilabas mo sa kanya yung hinanakit mo, ayun lang ang ikakagaan at ikakatahimik ng loob mo Chierelyn. Sana nakatulong ako sa problema mo. All the best. Stay strong and may the Almighty father have your back in every decisions you make.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon