Third Party is Too Many

290 10 0
                                    

From Anon.

Hi Hopya, haaaay anu ba gagawin ko.. ung bestfriend ko ksi eh! hilig nya masangkot sa 3rd party nkakainis d ko alm sknya haissst.. nguguluhan tlg ko.. ksi nmn hopya eh ok na sila nung BF nya tas ngyon my ka MU nmn sya na my GF dn.. kc ung BF nya nsa hongkong my nangyari na sknila nun.. mhl na mhl na un halos mamatay na sya kakaiyak ng dahil lang dun sa BF nya tas ngayon nmn nktagpo sya ng another guy na sabi ko nga my GF haaay bgyan mo nmn ako ng advice HOPya.. sabi ko nga sknya wag na muna kmi magusap naiinis kc ako sknya hopya wla sya kadaladala.. nde nmn sya nkiking skin.. :((

---------------x------------x

Hopya.

Hello :) Meron kasing dalawang tipo ng mga tao dito sa mundo eh, yung mga taong nakikinig pero tumatagos sa tenga ang salita yung iba naman na nakikinig nga pero parang mas pinipili nilang gawin mga bagay na hindi karapatdapat gawin. 

Hindi ko rin kasi minsan maintindihan kung bakit hindi marunong makontento ang isang tao sa mga kasalukuyan nilang mahal. Ang mahirap kasi sa friend mo “takaw-tingin”. I’m sorry for the term pero ganun lang talaga ang nakikita ko sa ngayon. So obviously, hindi niya pinapahalagahan yung pagkawala ng pagkababae niya kaya ganun nalang sya makapagdesisyon. Ganun nalang sya kabilis mahulog sa ibang lalaki. Mahirap kasi ang ganyang mga babae eh, yung kapag nakakita ng mga lalaki na alam nilang mas better pa sa BF nila eh kakalimutan na nila ang lahat ng mga pinagsamahan nila nga taong mahal niya. 

Tama lang yung desisyon mo na layuan mo muna sya. Para naman maramdaman niya na hindi na nakakatuwa ang inaasal niya. Na hindi na tama ang mga desisyon niya. Bilang isang kaibigan sa kanya, nandiyan ka naman para sa kanya diba? Pero bilang isang kaibigan din sa kanya, kailangan mo rin ipaalam sa kanya ang opinyon mo. Ang gusto ko lang sabihin is good job sa paglayo mo sa kanya. Hindi sa pinaghihiwalay ko kayo ng friend mo ha. I think it’s the best way lang para marealize ng friend mo na sa mga pinag-gagagawa niya ay baka hindi lang BF ang mawala sa kanya, baka pati mga kaibigan niya rin. 

Sana nakatulong ako sayo  Observe mo lang sya kung may pagbabago ba sa mga inuugali niya. Stay strong lang. Wala ka namang ginusto para sa kaibigan mo kundi ang mapabuti lang naman sya diba?

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon