AB-Normal Love

507 15 0
                                    

From Jackros,

Hopya pwede makanakaw ng advice? Hindi na kasi ako sigurado sa kasalukuyan kong relasyon eh. 8 years na kami ng girlfriend ko at 11 years old palang kami ng maging in a relationship kami. We’ve been through a lot. Lahat binibigay niya sakin at masaya ako dun, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Pero bakit parang nakakasakal na ang kabaitan niya? Masyado niya akong mahal Hopya, hindi na normal. 

Masaya naman ako kasi palagi syang nandiyan para sakin pero minsan nakakasawa na kasi eh. Masyadong repetitive. Minsan inaaway niya ako sa mga simpleng bagay, minsan nga nagmumukha na nga akong tanga sa pag-suyo sa kanya eh. 

Maraming beses ko ng pinagisipan na makipaghiwalay sa kanya pero hindi ako sigurado. Mahal ko rin naman sya, masyado lang kasing paulit-ulit ang nangyayari samin. Wala ng bago. What to do Hopya?

-------------x--------x

From Hopya:

Jackros sa totoo lang hindi biro ang 8 years na relasyon at a young age, hindi ko alam kung paano niyo nagawa iyon pero I’m impressed. Matanong ko lang, kung ikaw ang nasa kalagayan ng girlfriend mo ngayon at nabasa niya ito anong mararamdaman mo? Pag-isipan mong mabuti Jackros ha?

Eto sasabihin ko sayo at please lang wag mong kalimutan, napakaswerte mo sa girlfriend mo. Iilan nalang ba sa mundo ang babaeng tapat magmahal sa isang lalaki? Kahit pa paulit-ulit, hindi siya nagsasawang pasiyahin ka at iparamdam na mahal ka niya. Sabi mo pa nga diba ramdam na ramdam mo ang pagmamahal niya?

Nakakasakal ba ang kabaitan niya? Hindi pa normal. Alam mo Jackros, kapag pinakawalan mo sya maraming lalaki ang magkakandarapa sa kanya. Alam mo ba kung gaano karaming lalaki dito sa mundo ang naghahanap ng buong pagmamahal ng isang babae, ang buong atensyon na nakatuon sayo lamang. Kaya mo bang mawalan ng isang tao na kayang ibigay ang lahat ng meron sya para lang mapasaya ka?

Babae sya at kaming babae ay ang pinakacomplicated na nilalang na ginawa ni Lord dito sa mundo. Kahit nagmumukha ka pang tanga sinusuyo mo pa rin naman sya diba? Kasi mahal mo sya, kasi importante sya sayo at alam mo yun.

Paulit-ulit man ang relasyon niyo nagreklamo ba ang girlfriend mo sayo ng ganyan? Kung paulit-ulit edi ikaw na mismo ang gumawa ng move para maiba naman. Do something new, hindi purkit paulit-ulit na eh ititigil mo nalang. Not the smartest choice pre. 

Jackros, alam mo kapag nawala sya sayo hahanap-hanapin mo sya. Kung sa tingin mo makaka-kita ka naman ulit ng iba pa diyan na mas higit pa sa kanya, promise mami-miss mo yung ‘nakakasakal niyang kabaitan’ at ‘abnormal niyang pagmamahal’. Hindi biro ang pinagsamahan niyo, wag mo sanang sayangin. Be creative nalang and try something new para sa relasyon niyo. Hindi sulusyon ang pakawalan sya. Hope that helped you. All the best. Be wise.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon