Pregnancy Test

338 10 1
                                    

From *InsertHerPrettyNameHere*

Hopya I really like your blog and your posts are relatable and I’m still wondering why you’re not famous. Anywho. Nandito ako to ask a question. May nangyari kasi samin ng boyfriend ko eh, hindi ko naman alam kung anong gagawin ko 18 palang ako at marami pang maabot na pangarap sa murang edad ko na ito. Sobrang kinakabahan talaga ko hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan nasusuka ako minsan nahihilo at hindi naman ako tanga para hindi malaman na senyales na yun ng pagdadalang tao ko.

Ginusto ko rin ang nangyari pero nung una labag din naman sa kalooban ko. Sabi kasi ng boyfriend ko since matagal na rin naman kaming nagmamahalan ay dapat na namin ilevel up ang relasyon namin. Ang masama pa dun nagpregnancy test ako ngayon lang at postive nga. Hopya anong gagawin ko? Sa tuwing naiisp ko ang batang nasaloob ko ang pumapasok lang sa isip ko ay ipalaglag ito. Hindi ko alam kung tatanggapin ba ito ng boyfriend ko o ano. Hindi ko rin alam ang sasabihin ng magulang ko sakin. Paano ba ito hopya anong gagawin ko?

-------------------x-------------x

Dear Pretty you,

Nasa digital Technology class ako ng mabasa ko itong message mo at hamak namang napansin ng teacher ko ang malaimbyerna kong peys sa gulat dito. Nagdahilan nalang ako na may nakalimutan akong importante. Hindi ako nagulat sa issue mo kundi dahil you’re not the first one na humingi ng advice sakin tungkol dito. First things first, thank you for your humble comment about my blog, nakakataba ng puso. Famous? Ai nako 40th century na yata hindi pa rin sumisikat pero it’s okay. Basta nakakatulong lang ako sa mga katulad mong may problema ok na ako dun :)

So buntis ka nga? I’m glad naman na alam mong marami ka pang maabot na pangarap sa murang edad mo na yan, sana lang kasi naisip mo yan bago ka pumayag. Alam kong alam mo na hindi ito mangyayari kung hindi mo ito hinayaang mangyari. Kung labag man yun ng una sa kalooban mo bakit hindi mo sinubukang ipaliwanag sa boyfriend mo? Kung mahal ka niya kamo maiintindihan ka niya at maghihintay sya, tama? Aba! Marapat lang na panagutan ka ng boyfriend mo, ayan kamo ang bunga ng level up na hinahangad niya. Sa parents mo naman wala kang laban. Bilang isang magulang, wala silang hinangad kundi mapabuti ka at mabigyan ka ng magandang buhay. Ipapalaglag? Sana naman maisip mo na may buhay din yang pinagdadalang tao mo. Yan ang pagasa ng bayan kaya sana wag mo syang ipagdamot sa mundo. Masasabi ko lang sayo is stay strong, pull yourself together. Give your baby a chance to see the world, to enjoy his/her surroundings. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon