Awesome Parents

267 11 0
                                    

From Janine,

Ate Hopya bakit ganon ang mga parents? Hindi nila naiintindihan ang feelings ng mga teenager nilang anak? Pano kasi yong parents ko hindi nila maintindihan na mahal ko yung boyfriend ko ngayon. Hindi nila alam yung tunay kong nararamdaman para sa lalaki na yun. Ang hirap maging teenager gawa ng mga magulang. Masaya naman ako sila lang ang nagpapagulo ng buhay ko. Hindi kasi nila alam na hindi ko yang mabuhay kapag nawala sakin yung boyfriend ko. Anong gagawin ko Hopya?

--------------------------x-------------x

Hopya

Hi Janine. Bago ang lahat, matanong lang kita. Alam mo ba kung gaano kahirap ang maging isang magulang? Hindi sa pinapagalitan kita pero kung pinagbabawalan ka man nila, I’m sure may maganda silang dahilan diba? Walang matinong magulang ang naghangad ng kasamaan para sa mga anak nila. Kung sa tingin mo hindi ka nila naiintindihan, sa tingin mo ba naiintindihan mo ang concern nila sayo? Mahal ka nila kaya ka nila pinagbabawalan. Mahirap kasi ang maging isang magulang, pinaka-iingatan nila ang mga anak nila kasi wala naman silang ibang hiniling para satin kundi ang kabutihan natin diba? Sana lang wag mong ibaling lahat ng galit mo sa parents mo kasi mahal ka nila. Hindi rin kakayanin ng magulang mo ang mawala ka sa kanila at siguradong ayaw na ayaw ka nilang makitang masaktan. Ang akin lang naman, subukan mo rin intindihin yung parents mo. They only want the best for us. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon