Torn Between Two Lovers

121 5 0
                                    

Unknown...

Hi ate hihingi po sana ko ng payo. Nag message na din po ako sayo dati at nanghingi ng advice eh AT SOBRANG LAKI NG NAITULONG MO PO SAKIN . Haha so, eto na sisimulan ko na! Ganto po kasi yun. Bago po kami magbakasyon may ka MU po ako tapos nagtanong sya sakin kung pwede ba daw na manligaw pero hindi po ako sumagot ng oo at di pwede. Ang sinabi ko lang “Ikaw bahala, depende naman sayo eh” then nagtatanong sya kung may pagasa ba daw? hindi din ako sumasagot pero MERON TALAGA. Na-fall na *kasi ako sa kanya. Tapos ayun umaasa nga ko na liligawan nya ko! pero di sya nanliligaw kasi “may hinihintay daw sya” nagtataka ko kung ano yung hinihintay nya iniisip ko pa nga dati na baka mahal pa nya yung ex nya eh. Pero, mas malala pa pala don! may girlfriend pala sya tapos nalaman ko na lang po nung bago mag christmas vacation. Edi ako nman na turnoff ako sa kanya na “Ayy bat ganun sya? syempre nagawa nya na dun sa gf na lokohin yun edi may posibilidad na lokohin nya din pala ko” *sweet sya sakin tapos sweet na din ako sa kanya! di nman ung sweet na parang mag jowa na yung parang nagkkulitan kami palagi. Di sya kgwapuhan pero di sya mahirap mahalin dahil masarap syang kausap tska meron syang katangian ng isang lalaki na wala dun sa tropa nyang may gf. Eto na po yung problema ko, mahal ko na po si Guy no. 2! Pero mahal ko din po si Guy no. 1 ng konti! Pano po yun? naguguluhan ako kung sino yung mahal ko. Gumagawa si guy no. 1 ng dahilan para ibreak na sya nung gf nya. Nagtanong po ung guy no. 2 na kung pwede ba daw manligaw? pero di ako makasagot kasi parang hinihintay ko pa din si guy no. 1! gulong gulo na ung buhay pagibig ko hahahahaha ♥♥♥ Sana po masagot nyo ung prob ko tnxxxxx labyu po ate Hopya!!!!!

-----------------x---------------x

I tried reaching out sayo earlier for more info with all honesty, while reading through your message, I was so certain na isang guy lang ang sinasabi mo but then at the end nagulat ako na meron palang guy two. Correct me kung nagkakamali ako pero ganun lang ba kadali magmahal ng isang tao na once ay stranger sa buhay natin? Para sakin my answer is yes. So ang issue is naiipit sa kanilang dalawa na manliligaw sayo right? Para sakin, una palang ay dapat mo ng idisregard si guy #1. Bakit? Well obviously kasi meron na syang girlfriend. Whether you like it or not, makakasira at makakasira ka ng isang relasyon. Oo sabihin natin na ang lalaki ang nagdisisyon but would he make that decision kung hindi mo sya nili-lead on? Ikaw na rin ang nag-sabi na naturn-off ka sa nya ng malaman mo na maygf na pala sya at oo, tamang tama ka na kaya nya rin gawin sayo yun. To ask you a question, sa tingin mo gaano ka kaspecial kumpara sa current girlfriend nya na gusto nyang hiwalayan? Oo sabihin natin na gagawin rin naman yun ni guy#1 but would you want to be THAT girl na sumira sa isang relasyon na even its falling apart, binigyan mo na ng rason yung guy na tuluyang bumigay kasi alam nyang may sasalo sa kanya. And what happens to that girl na walang kaalam alam? Don’t feed your thoughts na it wouldn’t be your fault kasi it is. You were the reason. So I would say na guy#1 should not be even in the options. 

Para kay guy#2, mahal mo sya ng kunti? Anong ibig sabihin nun? Mahal mo sya enough para payagan syang manligaw at sagutin? Mahal mo sya enough para maging committed ka sa kanya for a long time? Kung hindi ka sigurado sa mga nararamdaman mo para kay guy#2, wag mo muna syang sagutin. Bakit? You might regret it later. Hindi ka rin magkakaroon ng peace kung sasagutin mo sya at ang batayan mo ay yung salitang “Mahal ko na sya ng kunti”. Anong balak mo? Palakihin nalang yung kunti na yun while being in a relationship with him? Yung tipong we’ll work our way through this ganun? What if hindi na umusad yung feelings mo sa kanya? Kung ang gusto mo lang is magkaboyfriend, go for it. Pero kung ayaw mong makasakit ng tao well pag-isipan mong mabuti yang feelings mo. Yan lang ang masasabi ko sa side ko. Babae tayo and we got a lot to loose and we shouldn’t be with someone na we thought na mahal natin because of that kunting pagmamahal pero at the end wala pala. It is very certain that you know kung ano ang tunay mong nararamdaman. And a friend of mine (non-biological daughter) told you this… “ang tunay na pagmamahal is yung wala kang natatapakan at nasasaktang tao.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon