Restrictions

279 10 0
                                    

Hi Hopya,

Nasa isang relasyon po ako sa ngayon at mahigit isang taon na kami ng bf ko. Nitong mga nakaraan kasi sobrang nagiging dominant na sya, lahat ng bagay na ginagawa ko kailangan may permiso niya. Ayaw ayaw niya akong nakikipag-usap sa ibang lalake. NagdeActivate na rin ako sa FB at Twitter. Nakwento ka sakin ng friend ko kaya gumawa ako ng Tumblr without my boyfriend’s consent. Minsan nga pinaghihinalaan niya ako na nagpalit ako ng number ko kasi hindi ko sya naitxt for awhole day, tapos sabi niya ginawa ko daw yun para lang makatxt ko yung iba kong mga kabatch na lalake. Nakakainis na kasi minsan kasi yung feeling ko na limited nalang ang nagagawa ko, katulad nalang nung isang araw, yung mga classmate kung babae umupo sa table ng mga kabatch kong lalake, nakasunod na ako sa kanila pero ng makita ko ang bf ko ang sama ng tingin sakin so humiwalay nalang ako at tumambay sa library mag-isa. Ng itxt ko naman sya ng samahan man lang niya ako sa library ay nagalit sya kasi bakit daw ba kailangan magkasama kami sa campus. Oo mahal ko sya kaya tinitiis ko ito pero naiinis din ako kasi NEVER akong pwedeng gumala and its frustrating!! Ano ba ang gagawin ko Hopya? Lagi nalang akong mag-isa sa campus kasi limited ang mga taong pwedeng kong kausapin at pakisamahan. Ang hirap kasi.

Regards,

Rachelle.

------------------x----------x

Hi Rachelle,

Thank you for your well organized letter. First time ko lang makakuha ng ganito ka)rganize and well structured letter, if you know what I mean. First things first, your boyfriend frustrates the crap out of me. Alam mo kung tunay ka niyang mahal ay magtitiwala sya sayo at kung may tiwala sya sayo hindi ka niya haharangan sa lahat ng bagay na gagawin mo. Do you see what I’m getting at? Isa pa, kung gusto niyang sa kanya ka lang at least samahan ka man lang niya sa campus, hindi yung nagmumukha kang loner. I’m sorry for the terminology pero someday kailangan mong basahin paulit-ulit yang sinulat mo sakin at tanungin mo ang sarili mo kung masaya ka ba? Kung tama pa ba? At higit sa lahat kung tunay ka niyang mahal. Malala ka pa yata sa married. Pero kung ginagawa ng boyfriend mo iyan out of love, sorry pero hindi AKO maniniwala, kasi kung pinapaiwas ka niya sa mga kaibigan mong lalake dahil ayaw ka nyang maagaw ng iba, sana nagmamalasakit man lang sya na samahan ka sa campus niya. Kausapin mo sya, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Gawin mo kung ano ang ikakasaya mo, kung ano ang tunay mong gusto hindi yung puro gusto niya. Learn to stand up for your rights. Alam kong mahal mo sya pero love yourself too. Bottom line is, think things through and read what you sent me awhile ago. Have a bountiful day to you.

Hopya.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon