Tagay Pa?

436 13 0
                                    

From Gizelle:

Pwedi po ba makahinge ng advice?

Masama po ba ang maghangad ng kabutihan para sa taong mahal mo? Hindi naman po diba? Hindi ko kasi maintindihan itong boyfriend ko eh. Ako po kasi ay hindi umiinom at kahit kailan wala po akong balak pero ang boyfriend ko nagulat ako ng matuto siyang maglaklak. Minsan feeling ko tuloy napa-mali siya ng pagpili sa mga sa kabarkada niya ngayong College students na kami. 

Isang beses kasi una siyang nagpaalam sa akin, hindi madali sa akin na payagan sya Hopya kasi diba ano ba naman ang malay ko baka masobrahan sya at mapaano. Hindi naman sa exaggerated ang drama ko pero I just care for him. Syempre mahal ko sya Hopya. Pero pinalampas ko yung una, at ang mga sumunod pa, pero nitong bakasyon mukhang napapadalas ang pagpaalam niya sa akin. Pero sa bawat paalam  niya hindi ko naman sya mapagbawalan kasi baka isipin niya nililimitahan ko sya at baka maging sanhi pa yun ng pagtatalo namin.

Ang sakin lang naman po wag naman dalasan ang paginom, nakakahiya pati sa parents ko lalo na kapag tinatanong nila kung nasaan siya at ako ay isang try hard na sinungaling kaya lagi akong huli nila mama kapag nagsisinungaling ako. Paano ba ito Hopya? Fuckshet lang kasi. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero naduduwag talaga ko. HEEEEEEEEEEEEEEEELP!

-----------x-------------x

From Hopya:

Gaano mo ba kamahal ang boyfriend mo? Do you love him enough for him to be IN your circle of trust? Hindi naman masama ang maghangad ng kabutihan para sa taong mahal natin pero be aware na hindi agad nila makikita ang point mo. Kailangan at all times kalma ka lang. Huwag padalos-dalos, ang mga lalaki kasi minsan mas malala pa yan magdrama sa mga babae. Kailangan din natin silang lambingin at mas habaan ang pasensya natin sa kanila. Minsan kasi ang relasyon ay pinagtitibay sa pagkakaiba ng isat-isa. Ikaw hindi umiinom tapos sya umiinom, nagkakaintindihan  naman kayo sa ibang paraan diba?

Hindi naman siguro masama kung ipagtatapat mo yung tunay mong nararamdaman tungkol sa pagiinom niya. Kung tunay ka niyang mahal maiintindihan ka niya. Minahal mo sya kung sa ano at sino sya nung una mo syang makilala pero magbabago siya at magbabago lalo na at teenager pa. Subukan mong intindihin yung mundo niya, kung hindi mo kaya kausapin mo sya. I’m sure maiintindihan niya. Bilang girlfriend niya may karapatan ka para pangaralan siya. Minsan nga mas gusto ng mga lalake na may-say ang mga girlfriend nila sa mga bagay na ginagawa nila kasi ibig sabihin nun may-care talaga ang mga girlfriend nila sa kanila, pero syempre hindi lahat ng lalake pare-pareho.

Tsaka bakit mo ikakahiya ang boyfriend mo sa parents mo? Mali yun, isipin man ng parents mo na laklakero ang boyfriend mo dapat hindi mo pa rin sya ikahiya. Sinagot mo pa sya kung ikakahiya mo lang sya. Not right teh. 

TALK! TALK! TALK! TELL! TELL! TELL! Ayan lang. :))

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon