Chapter 1

10.7K 250 74
                                    

DONNY

"Nasan ka na, bro?" Bungad sakin ni Robi nang sagutin ko ang tawag niya.

Kalalabas ko lang ng sasakyan matapos mag-park nang tumawag siya. Kadalasan ay mas maaga ang dating ko sa school dahil sa training, pero sa araw na ito ay nagpahuli ako ng konti dahil alam kong unang araw pa lang naman ng klase. Kaya siguro napatawag ang loko dahil nanibago.

"Kararating lang. Kumpleto na kayo dyan?" Tanong ko, tinutukoy ang iba pa naming kaibigan.

"Oo. Ikaw na lang kulang. Pa-importante ka masyado eh." Pangaasar niya. "Dalian mo't lumuluwa na ang mga mata ng fangirls mo kakahanap sayo."

"Ulul." Natatawang sabi ko at binabaan na siya ng tawag.

Nang makarating ako sa classroom ay tanaw ko na sila Robi, Rhys at Gello. Nakatambay sa labas ng room, nagaalaskahan. Syempre, kay Robi ang pinakamalakas na tawa.

"Oh, nandito na pala ang heartthrob eh!" Tinuro pa ako ni Robi nang maglakad na ako papunta sa kanila.

"Bro, kanina ka pa hinihintay ng mga fangirls mo!" Pangaasar pa ni Gello na itinuro pa ang mga nagkukumpulang mga babae sa katabi naming classroom.

Umiling na lang ako at hindi na yun pinansin. Inayos ko ang pagkakasabit ng backpack ko sa kaliwang braso ko at isinandal ang katawan ko sa poste katapat lang ng classroom namin.

"Bakit nasa labas pa kayo?" Tanong ko. Saglit pa akong tumango sa mga babaeng nakasilip sa katabi naming classroom. Napahalakhak pa ako nang marinig ang sigawan nila.

"Hindi pa daw tayo pwedeng pumasok hanggat wala ang adviser natin. Ichecheck pa daw ang attendance." Sagot ni Robi. Halata sa hitsurang inip na inip na dahil panay na ang linga kung saan saan.

"Hindi mo yata kasama si Kaori?" Tanong ko kay Rhys na busy na ngayon sa cellphone niya.

"Kararating lang raw sa school. Hindi ko na nasundo dahil hinatid pa ang parents niya sa airport." Sagot niya.

"Oh bakit hindi mo sinamahan? Akala ko ba nanliligaw ka na? Bawas pogi points yan! Ang weak mo naman, bro!" Pangaasar ni Gello.

"Psh. At least si Rhys, nanliligaw na. Eh ikaw? Hanggang ngayon, nganga ka pa rin!" Pangaasar ni Robi.

"Manahimik ka nga." Inis na talagang sagot ni Gello.

"Sus. Ang sabihin mo, sating lahat... ikaw talaga pinakamahina! Pano, 4 years ka nang dinedeadma!" Sinadya pa talagang lakasan ni Rob ang boses niya.

Tumawa ako, "Hindi siya dinedeadma. Siya ang nandeadma. Kahit na ang totoo naman ay patay na patay siya don." Dagdag ko pa na mas lalong kinainis ni Gello.

"Makadeadma akala mo babae eh ano? Lahhh. Duwag to eh. Duwag ka noh, pre?" Pangaasar pa ni Rob.

"Tumigil ka na nga." Si Gello.

Tinawanan lang namin siya.

"Napakatorpe mo kasi, Pre. Galaw galaw, baka pumanaw!" Pangaasar niya pa kaya mas lalo kaming nagtawanan.

"Tanga!" Sigaw ni Gello. "Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan ah? Eh wala ka ngang girlfriend eh. Manahimik ka na lang."

"Pikon! Torpe!"

"'Pag 'di ka pa nanahimik, sasapakin kita."

"Lahh. Katakot, bro." Sarkastikong sagot ni Rob na kunwari pang nagtago sa likod ni Rhys na ngayon ay tatawa tawa na rin.

"You guys are like kids." Ani Rhys na tinulak pa si Rob papunta kay Gello. Agad naman itong inipit ni Gello sa braso niya at sinakal.

"Gago! Di ako makahinga... men!" Hirap na hirap na sigaw ni Rob.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon