Chapter 12

3.6K 116 101
                                    

Introducing The Past.

DONNY

"Ano bang nangyari sa inyo?" Rhys asked.

Bago kami nagpunta ng clinic, nagpaalam na muna kami saglit ni Rhys sa PE instructor namin. We were members of the varsity team, so we weren't really required to attend PE class kaya pinayagan kami. Out of worry, sumama na rin si Robi. Si Gello naman ay sumama na rin dahil ayaw niya raw magisa sa bleachers.... kahit halata namang nagaalala rin kay Ash.

Naiwan kaming magkakaibigan sa isang private room. It had enough space to accomodate all 7 of us. The boys and I sat on the long couch just adjacent to where the girls were. Tatlong single beds ang naroon and all three of the girls were there, having themselves treated.

They really had a bad fall kaya puro galos ang mga katawan nila. Buti na lang at walang nabalian.

"We were hiding from someone nga kasi." Si Ashley ang sumagot. Pero agad rin siyang natahimik nang samaan siya ng tingin nong dalawa. "Secret ba 'yon?" Nalilitong tanong niya pa.

"Daldal mo, girl." Bulong ni Kaori pero narinig namin.

"Anong kalokohan ba 'yang pinasok niyo?" Hindi ko na napigilan ang pagtataka.

My brows furrowed as I turned to look at Belle who was having her lips treated. Nalagyan na ng bandage ang mga sugat niya sa binti at braso.

"Wala naman kaming kalokohang ginawa." Tanggi kaagad ni Kaori.

"Eh sinong tinataguan niyo?" Tanong ni Rhys.

"Si Engineer." Si Ash ulit ang sumagot na natahimik ulit nang samaan nanaman ng tingin nong dalawa.

"Ano?" I asked, confused. Si Engineer? Tinataguan nila? Bakit?

"Bingi talaga." Natatawang bulong ni Belle, sinadya talagang iparinig sakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan lang ako!

I laughed sarcastically and glared at her. "Ate, pakibuhusan nga ng alcohol 'yang sugat niyan. Kung pwede, ipainom mo na rin sa kanya nang matahimik na habang buhay." Utos ko sa nurse na umaasikaso sa kanya.

Belle glared back in return but I just glared back at her. Sa sitwasyon niya, may gana pa talaga siyang magyabang? Kung si Engineer nga ang tinataguan nila, malamang ay may kalokohang ginawa ang tatlo na to.

"Bakit niyo kailangang taguan si Engineer?" Nalilitong tanong ni Rhys, kay Kaori nakatingin.

Napabuntong hininga naman si Kao at nagaalangang tinignan ang tatlong kasama bago humarap samin at sumagot.

"I got hungry eh." Parang batang sagot ni Ash at mas lalo naman kaming nalito. Anong connect?

"Ha?" Rhys asked, still confused.

"Nagutom kasi kami kaya nagkayayaang magpunta sa caf kahit time na. Saglit lang naman sana kami pero ang daming students and the line was too long. Na-late na kami." Kao explained. "Eh napansin yata ni Engineer na wala kami sa class. Eh nandon 'yong bags namin kaya siguro inisip niyang nag-cutting kami. Hindi rin kami sigurado kung may nagsumbong na nasa caf kami kasi nagulat na lang kami nandon na si Engineer. Kaya natural na tumakbo kami para makapagtago. Sa sobrang pagmamadali.... Ito ang inabot namin." Tinignan niya ang sariling mga sugat."

Frustrated, I massaged my temples and glared at Belle. Masama na rin ang tingin niya sakin pero hindi na ako nagulat. They got in trouble for that?

"Kung sumabay na lang sana kayo samin ng lunch, edi sana hindi na nangyari to." I said, pinipigilan ipakita ang inis.

"Oh eh bakit sakin ka nakatingin? Ako ba may kasalanan? Nadamay nga lang ako rito." Singhal ni Belle.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon