Chapter 44

3.9K 146 184
                                    

#TPMisfit44



DONNY

"Buntis ako, gago ka!"

Paulit ulit 'yon sa tenga ko at parang hindi ko naintindihan agad. It sounded foreign to me...

Buntis?

Napatingin agad ako sa tyan niya pero bago pa man ako makapagsalita ay hinawi na niya ako paalis.

"Tabi!" Sabi niya. Napaatras ako habang siya naman ay dere deretso ang lakad paalis.

Hinabol ko siya at hinawakan ang braso para mapigilan ang paglayo niya. Inis naman niya akong hinarap.

"Anong sinabi mo?" Gulat, hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi mo ba talaga narinig? O nagbibingi bingihan ka lang?" Inis na sabi niya. "Buntis ako, Donny." Ulit niya. "At ikaw ang ama."

"Since when?" Mabilis na tanong ko. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi?"

"Dahil hiwalay na tayo!" Sigaw niya. "Malay ko ba kung tatanggapin mo pa rin ang bata ngayong wala na tayo?"

"Of course I will!" Sabi ko. Bumibilis ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang nalalaman 'to. "Tatanggapin ko ang bata. Bakit mo iisipin na hindi? Mahal kita. Lahat ng manggagaling sa'yo tatanggapin ko." Sunod sunod na sabi ko.

"Mahal mo ako? Talaga?" Sarkastikong tanong niya. "Kaya pala nakahanap ka na ng iba?!"

Napahawak ako sa sentido ko at minasahe 'yon.

"Hindi ako nakahanap ng iba. Hindi ko siya girlfriend!" Sabi ko. "She's just a client I was with nang pumunta ako ng US. I needed to talk to her about the project that's why she was there." Pagpapaliwanag ko pa.

"Kaya pala muntik ka na niyang halikan?"

"I was pushing her away when you came in!" I defended myself dahil iyon naman talaga ang totoo.

I even threatened to abandon the project if she doesn't stop hitting on me. She's very aggressive and I don't like that. I've told her countless times na may girlfriend na ako, but she doesn't seem to care.

We were fighting when Belle came in. I was telling her to leave pero ayaw niyang sumunod. Kaya ko ayaw papasukin si Belle dahil ayaw kong may isipin siyang masama sa tagpo namin ni Jessie. I didn't want chaos. And knowing Belle, talagang susugurin niya at papatulan si Jessie. Hindi niya ito uurungan.


"Pushing her away mo mukha mo! Sinungaling!"

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Eh bakit ako ang pinapaalis mo roon kanina?" Tanong niya, umiiyak. Ako naman ang natahimik.

"Oh, ano? Wala kang masagot?" Tanong niya nang hindi ako sumagot.

"I'm sorry." I said, defeated. "Nagpadala ako sa galit ko."

"Sorry mo mukha mo!" Sigaw niya. "Itatago ko ang anak mo sa'yo!" Pananakot niya pa kaya humigpit ang hawak ko sa kanya.

"You can't do that!" Mariing sabi ko. "I'll find you."

"Edi pag nahanap mo, tatago kami ulit!" Parang batang sabi niya. I know right then that these are the hormones talking.

"That's my child. Hindi mo pwedeng itago sa'kin." Sabi ko. "Mahal kita. Paninindigan kita."

"Mahal mo, pero natitiis mo?!"

"I'm sorry." Sinserong sabi ko. "I was wrong. Let me make it up to you. Please."

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon