A/N: Hello! I hope you can support the newest story I published, "The Hidden Tale of The Genie in The Lamp." It's also a DonBelle based fanfiction, only that its theme is fantasy. Promise, it will be worth your time ❤️
Sorry medyo natagalan sa pagupdate! Naging busy sa pag-vote sa DonBelle! Hahaha. Whatever happens... we did well, Bubblies!
BELLE
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sinadya ko talagang agahan para hindi ko na maabutan si Mommy. Kaya naman 5AM palang ay nasa gate na ako ng bahay, dala ang duffel bag ko na puno ng damit. Simpleng denim shorts at black sleveless crop top lang ang suot ko. I paired the whole outfit with my black flatform muffin sandals. Like the usual, I had my hair tied up in a bun, with a few loose strands hanging on both sides of my face.
Hindi ko na tinext si Donny na kanina pa ako nakahanda. Basta ko na lang siya hinintay sa labas. Pero wala pang ilang sandaling nakatayo ako roon ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan. At agad akong napatuwid ng tayo nang makitang sasakyan na nga 'yon ni Donny.
Sasalubungin ko na sana siya nang itigil niya ang sasakyan, pero agad siyang bumaba. At bago pa man ako tuluyang makalapit ay naunahan niya na ako.
"Kanina ka pa?" Tanong niya at sumulyap pa sa relo niya. "I said I'd be here by 5:30. Ang aga mo naman lumabas?"
Napatingin ako sa suot niya. He was wearing a black and white striped shorts, paired with a black polo. The first few buttons of his polo was unbuttoned, exposing his chest a bit. Kapansin pansin ang suot niyang gold necklace. Noon ko lang rin napansin ang hikaw sa kaliwang tainga niya. Lalong lumakas ang dating niya nang dahil sa porma niyang 'yon.
Grabe... Minsan talaga napapaisip na lang ako kung tao ba talaga 'to eh. Sobrang gwapo, hindi makatarungan.
"Legal ba talaga maging ganyan kagwapo?" Sabi ko at matagal na tinitigan ang mukha niyang napakaperpekto. "Grabe. Si Lord talaga, may favoritism noh?"
Natawa siya. "Out of all of His creations, you're my favorite." Aniya at kinindatan pa ako bago kunin sa'kin ang duffel bag ko at dumeretso na papunta sa sasakyan.
Umirap naman ako.
"Tss. Ang aga mo naman mambola." Sabi ko at sumunod na sa kanya.
Mabilis niyang nailagay sa trunk ang mga gamit ko kaya napagbuksan niya pa ako ng pintuan.
"Kumain ka na?" Tanong niya nang makapasok na sa loob.
"Hindi pa. Ikaw ba?"
"I bought us food." He said at may inabot sa likod. Simpleng sandwich lang naman 'yon atsaka kape pero napangiti ako.
"Salamat." Sabi ko nang abutin 'yon mula sa kanya. "Pa'no ka kakain eh magda-drive ka?" Tanong ko na sinulyapan ang sandwich niya.
"Mamaya na lang sa stop light." Sagot niya. "You can eat first." Dagdag niya bago pinaandar ang sasakyan.
"Nasa'n na raw sila Gello?"
"They're on their way. Doon sila sa van nila Rhys sumakay."
"Eh di sana sa kanila na lang rin tayo sumabay. Ba't pa tayo humiwalay?" Tanong ko.
"So that I can spend more time with you." Ngumisi siya.
"Tss. Ewan sa'yo."
Hindi naman ganoon ka-hassle ang byahe. Dahil nga madaling araw ay walang masyadong traffic bukod sa patigil tigil dahil sa mga stop lights.
Natatawa kong pinanood si Donny na pasimpleng kinagatan 'yong sandwich niya. We were currently waiting for the light to go green, at sinamantala naman 'yon ni Donny para kumain. Ako ang nahihirapan sa kanya, lalo na nang makita kong 10 seconds na lang ay green light na.
BINABASA MO ANG
The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)
Romance"Is it possible to fall in love with your perfect misfit?"