Chapter 23

3.8K 153 506
                                    

A/N: Thank you so much for the 6k reads! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang dami na palang nakakabasa nitong kwentong ginagawa ko. Dati masaya na ako sa 100 reads, pero ngayon, grabe. Thank you po! ❤️

DONNY

"May problema ba kayo ni Belle?" Tanong ni Rhys nang dumalaw sa bahay namin.

Sabado ngayon at wala akong ginawa buong araw because I wasn't really in the mood to do anything else. Gabi na at handa na sana akong matulog pero dahil sa biglaang pagbisita nila ay wala na akong nagawa kundi bumangon.

I sat by the patio and just stared blankly at the pool right in front of us. The dark sky above it was illuminated with stars.

It has already been a week since Belle and I last talked. After our conversation in the hallway, I didn't bother reaching out to her anymore. I tried one time in the cafeteria, but she just pushed me away. So why bother, right?

Tama naman siya eh. Masyado kong sineryoso itong fake relationship namin. To the point na totoong nahulog na ako. At ngayon ay hindi ko na alam kung paano bumangon.

"Anong ginagawa niyo rito? Gabi na ah?" I asked, trying to divert the topic.

"Gingising ka." Sagot ni Robi na ipinagtaka ko naman.

"Gising naman ako."

"Sa katangahan." Dugtong ni Gello kaya nagtataka ko siyang nilingon.

"Pinagsasabi mo dyan?" Kunot noong tanong ko.

"Magsabi ka nga ng totoo." Seryosong sabi ni Robi.

Minsan lang siya sumeryoso kaya natigilan ako.

"Mahal mo pa ba si Chelsea?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Napalingon ako kay Rhys na ngayon ay seryoso ring nagaabang sa sagot ko habang sumisimsim sa inumin.

Robi sighed, "Oh sige ganito na lang. Ibahin na lang natin ang tanong." He said, shifting his weight. "Mahal mo na ba si Belle?"

Lalong hindi ako nakasagot. Kasabay ng kakaibang pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pagiwas ko ng tingin.

"Okay." Napalingon ako kay Robi nang magsalita siya ulit. Tumango tango siya. "So mahal mo na nga."

"Wala akong sinabing ganyan—"

"Come on, bro. Itatanggi mo pa ba naman?" Aniya pa at hindi na ako nakapagsalita. "Halatang halata ka na."

"Tss." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Next time, be careful with your actions." Rhys said.

"Ano?"

"That time in the cafeteria..." he trailed off. "Instead of checking up on Belle, si Chelsea ang pinuntahan mo."

"They pushed her."

"At tinapunan nila ng mainit na sabaw at kape si Belle." Gello interjected. "Sino sa tingin mo ang mas nasaktan?"

Napakurap ako.

"You did that in front of everyone. Ano na lang ang iisipin nila?" Rhys asked.

"I don't care about what they think."

"Eh sa nararamdaman ni Belle, wala ka ring pakialam?" Tanong ni Robi.

Saglit akong natahimik bago nakahanap ng isasagot.

"It's not like she cares anyway." Sabi ko.

Naalala ko nanaman ang sinabi niya sa'kin.

Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo masyadong seryosohin. Nakakalimutan mo yatang pagpapanggap lang ang lahat ng 'to. Masyado mong tinototoo.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon