Chapter 6

3.7K 127 78
                                    

BELLE

"NABABALIW ka na ba?" Bahagya pa akong natawa.

He can't be serious.

Girlfriend?

"Sabi mo kahit ano." Pangangatwiran pa niya.

"Oo, dahil akala ko simple lang ang ipagagawa mo sa'kin!"

"This is simple." Pagdidiin niya.

"Anong simple?" Napamaang ako. "You're asking me to be your girlfriend. Naririnig mo ba ang sarili mo?" Hindi talaga ako makapaniwala.

"I know what I said."

"Hindi ka na ba makakakuha ng iba riyan at ako talaga ang nilapitan mo? At sapilitan pa?" Kumunot ang noo ko, "Atsaka... ano kamo? Role? Ano.... Magpapanggap akong girlfriend mo?"

Tumango siya, "Oo."

Natawa ako. Hindi talaga makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Hindi. Ayoko. Kalokohan 'to." Pagtatapos ko sa usapan, at mabilis na tumayo para umalis.

Hindi ko na kailangang pagisipan 'yon. Kalokohan ang gusto niyang gawin ko. Magpapanggap akong girlfriend niya? At ano namang mapapala ko roon? Atsaka... bakit ako?

"Alam mo bang gumastos ako ng 50,000 para lang pumayag makipagayos 'yong dalawa?" Sabi niya bago pa man ako makahakbang paalis.

Gulat na gulat ko siyang nilingon.

"50,000???" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Bakit? Bakit ganon kalaki?"

"They asked me to pay for the damages you caused."

Kumunot ang noo ko. "Anong damages? Kung mayroon mang na-damage... 'yong buhok lang ng babaeng 'yon!"

"Yes, and she felt embarassed."

Natawa ako. "Embarrassed? Na-embarrassed lang, naningil na agad ng 50,000? Kalokohan 'yan."

"If you want proof, I have the check here." Sabi niya na kinuha kaagad ang wallet niya at hinugot ang isang papel mula roon.

Nang iabot niya sa'kin 'yon ay mabilis kong kinuha para tignan talaga. At agad akong natigilan nang makitang totoo nga iyon.

"Nasira lang ang buhok at napahiya.... 50,000 ang kapalit?" Bulong ko sa sarili. "Ano bang salon ang pinupuntahan non at bakit parang napakamahal naman!"

"They asked me to pay for their hotel suite." Sabi niya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "It turns out, marami silang naka-check in sa hotel na 'yon. Pinabayaran nila sa'kin lahat, kapalit ng pakikipagayos nila."

"At binayaran mo naman?"

"Oo. Alangang hindi? Eh sa galit nila sa ginawa mo, kundi ko binayaran 'yon, handang handa na silang ipatawag ang mga magulang mo at roon magreklamo."

"Oh, bakit mo sinusumbat sa'kin?" Pagmamatapang ko pa kahit na alam ko namang dehado na ako.

"Baka dahil kasalanan mo?" Punong puno ng sarkasmo niyang sagot kaya napairap ako sa inis.

"Anong ako?" Singhal ko.

"Bakit? Sino bang may kasalanan?"

"Ikaw!" Duro ko sa kanya.

Napatingala siya sa sobrang pagkaka-frustrate bago ibinalik ang tingin sa'kin.

"You're still on about this?"

"Oo. Bakit? Kasalanan mo naman talaga. Hindi mo sa'kin sinabi agad!"

"Sinubukan ko nga, diba? Eh kaso sumugod ka kaagad." Pagtatanggol niya pa sa sarili.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon