Chapter 5

3.4K 141 64
                                    

BELLE

Nang makarating ako sa loob ng kwarto ay para akong mababaliw. Ang plano ko lang kasi ay sundan si Daddy para makita ang babae niya. Ang inaasahan ko ay sa lobby pa lang ay makikita ko na silang magkasama pero mukhang nagkamali ako. Magkahiwalay yata silang darating. Hindi ko na tuloy alam ang susunod kong gagawin.

Ilang minuto na ang lumipas pero parang tangang nagpalakad lakad lang ako sa kwarto, nagiisip ng susunod na gagawin. Natinag lang ako nang tumunog ang doorbell.

Nagtataka man ay binuksan ko ang pintuan. At mas lalo naman akong nagtaka nang makita ang bellboy na may dalang tray ng pagkain. Napakarami niyon para maubos kong magisa. At isa pa, wala naman akong natatandaang umorder ako.

"Mali ka yata ng kwartong napuntahan." Sabi ko sa bellboy.

"Ah, hindi po. Para po talaga sa inyo 'to, Ma'am?"

"Ha? Sa'kin? Eh hindi naman ako umorder niyan."

"Opo. Pinadala po ito ni Sir Donny para sa inyo." Ngumiti siya.

Kumunot ang noo. "Si Donny?" Nagtataka kong tanong. "Siya umorder niyan?" Tumango siya. "Para sa'kin?" Nakangiti ulit siyang tumango.

Napatingin naman ako sa tray ng pagkain. Napakarami naman?

"Baka mamaya may bayad 'yan ah?" Tanong ko.

Napakamahal na nga ng bayad sa isang kwarto rito. Nagbaon na nga lang ako ng pagkain dahil wala talaga akong balak umorder dahil gawa yata sa ginto ang mga pagkain rito sa sobrang mahal. Wala akong budget lalo pa't hindi ako nakahingi kay Daddy.

Hindi ko rin naman pwedeng gamitin ang credit card ko dahil malalaman nila kung nasaan ako.

"Hindi po. Siya po ang nagbayad." Lalo siyang ngumiti.

"Ang dami naman niyan?"

Sa huli ay tinanggap ko na lang rin iyon. Sabagay, baka sa sobrang yaman nila Donny, barya na lang sa kanya 'to.

Ngunit hindi rin naman ako nakakain sa sobrang pagiisip. Paano ko na ngayon malalaman kung anong ginagawa nila sa kabilang kwarto?

"Rinig kaya rito?" Tanong ko sa sarili bago tumayo at lumapit sa pader. Idinikit ko roon ang tenga ko, at pinakinggan kung maririnig ko ang pinaguusapan nila sa kabilang kwarto. Pero bukod sa tunog ng aircon ay wala na akong ibang narinig.

Inis na inis akong umayos ng tayo at pinagkrus ang mga braso. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto para maghanap ng magagamit.... hanggang sa dumapo iyon sa basong nakalagay sa tray.

Agad kong kinuha iyon at dinikit sa pader. Matapos ay idinikit ko ang tenga ko roon, umaasang may maririnig. At ganoon na lang kabilis nabuhay ang pagasa sa'kin nang marinig ang kaluskos mula sa loob! Maging ang mahinang pagsasalita nila ay naririnig ko. But all I hear are muffled conversations... wala akong naiintindihan sa kung anumang pinaguusapan nila.

"Tsk."

Sa huli ay napagdesisyonan kong lumabas ng kwarto. Siniguro ko munang walang tao sa hallway bago ako nagpunta sa tapat ng mismong pintuan ng hotel room nila Daddy.

Tumingkayad pa ako para lang maabot ng mata ko ang peep hole para sana masilip kung anong ginagawa nila roon. Kamalas malasan namang wala talaga akong makita dahil hindi ko abot!

Bumuntong hininga na lang ako at idinikit ulit ang baso sa pinto. Matapos noon ay dinikit ko rin ang tenga ko roon sa baso, para sana may marinig.

Katulad kanina ay ganoon pa rin ang naririnig ko. Muffled conversations. Pero sigurado akong babae at lalake nga ang naguusap. Kung anong ginagawa at pinaguusapan nila ay hindi ko na alam.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon