Chapter 36

3.1K 115 190
                                    

#TPMisfit36


DONNY

Maaga akong pumunta ng hospital kinaumagahan. I brought fruits and breakfast for Trish. Nasa sasakyan pa lang ako ay parang wala na ako sa sarili. Hindi ko alam kung paano haharapin si Trish matapos ng mga nalaman ko.

I couldn't look at her the same way. Somehow, I feel as if she has something to do with Belle's death. Kailangan ko lang malaman ang totoong nangyari sa kanya. Kung totoo ba ang plane crash na nangyari... Where was she that night?

And the only way I could do that is by being close to her. I need to earn her trust first.

"Good morning." I greeted as I entered. She was watching TV when I entered. Nagulat pa siya kaya napatuwid ng upo nang makita ako. Halatang hindi inaasahan ang pagdating ko.

"Good morning." Sagot niya, mukhang nagtataka sa presensya ko.

"I brought you fruits... And coffee." Inilagay ko sa table ang mga fruits at lumapit sa kanya para iabot ang coffee na may nakalagay na post it na sinulatan ko.




Get well soon! :) — DP



Nakita ko siyang ngumiti nang makita 'yon kaya nahawa ako at napangiti na rin.

"Bakit magisa ka? Nasan ang mama mo?"

"Inasikaso si Iñigo. May parent-teacher conference sa school nila. Kailangan roon si Mama." Sagot niya. "Ikaw, napadaan ka?"

"Gusto lang kitang makita." Sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. Iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko, knowing that she might have been one the culprit of Belle's death. At possibleng kambal siya ni Belle.

There are so much possibilities, but I doubt almost every single one of it. Dahil kung kambal si Belle ay ibig sabihin anak rin siya nila Tito Mike at Tita Bea. Why didn't I ever knew she existed? Itinago ba siya? Alam niya bang kambal niya si Belle kaya siya naroon ng gabing 'yon?

"Kumain ka na ba?" Tanong ko at umiling naman siya. "I brought you breakfast too. Baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain nila dito sa hospital." Tinuro ko ang pagkaing nasa lamesa.

Ngumiti siya.

"Salamat. Nagabala ka pa." Sabi niya.

"You're not a bother to me." Sagot ko. "Ako ang kasama mo kahapon nang mangyari sa'yo 'to. Responsibilidad kita."

"Wala ka namang kasalanan."

"Kahit na."

Bumuntonghininga siya.

"Pasensya na. Nadamay ka pa tuloy."

"Not a problem." Sagot ko ulit. Inilagay ko ang pagkaing binili ko sa bed table at inilagay sa higaan niya bago naupo sa katapat na sofa.

"Salamat."

"How are you feeling?" I asked.

"Maayos naman. Medyo sumakit lang ang ulo ko kanina, pero okay naman na ako ngayon."

"Iyong pagsakit ng ulo mo... Napapadalas ba?" Panimulang tanong ko.

"Medyo. Lalo na ngayon..."

"Dahil nanunumbalik na ang mga alaala mo, tama ba?" Tanong ko ulit at natigilan siyang napatingin sa'kin. "Sorry, but Criza told me about your... amnesia. Na wala kang maalala."

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon