#TPMisfit32
DONNY
I don't know if it's possible to have someone look exactly the same as the person you once knew.... But this all just seemed too real. Para akong nabubuhay sa sariling panaginip. At si Belle ang laman niyon.
I was staring at the person who has exactly the same features as hers. Gusto kong kurutin ang sarili dahil baka nananaginip nanaman ako, pero mukhang totoo ang lahat ng ito. Totoong nasa harapan ko siya.
But as a different person.
"Trish!" Narinig kong may tumawag sa kanya pero hindi ko magawang alisin ang paningin sa mukha niya. Oh how I've longed to look at that face again... How I've missed laying my eyes on the woman I love. "Nako, sorry po! Sorry po talaga!" Paulit ulit na paghingi ng paumanhin ng may katandaan ng babae.
Tumango lang ako at napaatras ng konti dahil sinubukan niyang punasan ang damit ko. Sa huli ay inabot niya na lang sa'kin ang tissue na kinuha ko rin naman.
"Pasensya ka na talaga ah? Bigla kasing nawalan ng kuryente. Kaya siguro nawalan ng balanse itong anak ko." Pagpapaliwanag niya pa at napatingin naman ako sa babae. "Siya nga pala, nagkakilala na ba kayo?"
Hindi ako nakapagsalita at nanatili pa rin ang titig kay Trish. It's so surreal that she looks exactly like Belle — only her style was different. She seemed more.... Feminine. She was wearing a white dress that stretched just above her kness. Her hair was in loose beach waves, and she had front bangs that accentuated her soft features. There was no hint of make up on her face, except the natural pink tint of her skin. Simple lang pero katulad noon ay napakalakas ng dating. The sparkle in her eyes looked different too. She looked... happier.
Hindi matanggap ng utak ko na ibang tao ang nasa harapan ko.
She has to be Belle.... Right? My mind was playing games with me. It has to be her. This has to be Belle.
"Siya nga pala si Trish Angelito, ang anak ko." Pagpapakilala ng babae. "Trish, siya si Sir Donny. Donny Pangilinan. Siya ang mayari ng pinagagawang hotel rito."
Tumango naman si Trish at ngumiti ng alanganin.
"Ako naman si Katrina, ang Mama niya." Pagpapakilala ng babae at ngumiti naman ako.
"S-sorry po ulit." Even her voice sounded exactly like Belle's. Napailing ako at saglit na nahilo. Nalalasing na yata ako sa kakaisip kay Belle.
"Kung gusto mo, sumama ka na muna sa bahay. Meron ako roong pamalit. Damit 'yon ng dati kong asawa pero tingin ko ay kasya naman sa'yo." Aya sa'kin ni Ms. Katrina.
Napatingin pa muna ako kay Trish na ngayon ay nahihiya na ring nakaabang sa sasabihin ko. Ngumiti ako at tumango.
"Sige po. Kayo pong bahala, pero okay lang naman po ako." Sagot ko, bahagyang nailang dahil nagabala pa sila.
"Nako hindi! Ayos lang! Nakakahiya naman kasi sa'yo, nakaputi ka pa naman tapos natapunan ng kape ang damit mo. Saglit lang naman 'to." Sabi niya pa at ngumiti na lang ako. "Kaso may mga naiwan akong gawain doon." Sabi niya. "Trish, ikaw na muna ang sumama sa kanya." Utos niya pa kaya natigilan ako. "Alam mo naman kung saan nakalagay ang tinutukoy kong damit, diba?"
"Opo, Ma." Sagot niya.
Napatingin ako kay Trish at inabangan ang sasabihin niya. Nahihiya siyang tumingin sa'kin at parang nagalangan pa kung magsasalita. Hindi ko tuloy namalayan na napapangiti na ako.
BINABASA MO ANG
The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)
Romance"Is it possible to fall in love with your perfect misfit?"