Chapter 42

3.3K 140 128
                                    

#TPMisfit42


BELLE

"You can go back to Hannah's room now." Bigla ay sabi niya nang matapos akong halikan.

Napakurap ako at lito siyang tinignan.

"Ha?"

"Pwede ka nang lumabas. Ihahatid na kita pabalik sa kwarto niyo." Sabi niya. "I just gave you one last kiss." Nakangising dagdag niya pa!

Hinampas ko siya sa dibdib at nagulat naman siya. Napaatras at parang natatawa pa akong tinignan!

"Bakit?"

"Bwisit ka!" Singhal ko at inis na lumabas ng kwarto.

Sumunod naman siya at nagulat kami nang makitang naroon sila Hannah at Solana. Nahuli pa namin na nakadikit ang tenga sa pinto at mukhang nakikinig! Nakangisi naman kaming tinignan ni Hannah, while Solana just giggled.

"Bakit?" Tanong ko, nagtataka sa reaksyon nila.

"Kuya, you have something on your lips." Sabi niya kaya napatingin ako kay Donny. At nanlaki ang mata ko nang makita ang stain ng lipstick ko roon!

Donny wiped his mouth with his thumb and smirked. He didn't even look bothered! Mukhang proud pa siya!

"Sorry." He chuckled.

"Nice." Natatawang sabi ni Hannah.

"Hannah." Suway ko pero tinawanan niya lang ako.

"Matulog na kayo." Sabi ni Donny. "'Wag ng kung anu anong ginagawa ninyo."

"Sus. Kinilig ka naman." Pangaasar ko.

"Tss." Sabi niya at nagiwas ng tingin.

"Asus! Itatanggi mo pa, eh nakita kitang ngumiti kanina." Sabi ko at tinusok ang pisngi niya na iniwas niya naman agad.

"Guni guni mo lang 'yon." Tanggi niya pa!

"Kahit halata?!"

"Gumagawa ka nanaman ng kwento sa utak mo. Hindi totoo ang nakita mo." Sabi niya. "Lagi ka kasing nagpapalipas ng gutom kaya ayan ang napapala mo. Kung anu ano na tuloy nakikita mo."

"Pangasar ka ah."

"I can't believe you guys are adults." Napapailing na sabi ni Hannah. "You fight like kids."

"Kuya mo kasi ang lakas mangasar. Akala mo naman nakakatuwa."

"At ikaw naman matigas ang ulo. Akala mo rin nakakatuwa." Sabi ko.

Umirap ako at tinalikuran na siya. Umuna na akong maglakad pabalik sa kwarto nila Hannah.

"Sa'n ka pupunta?" Narinig kong tanong niya.

"Wala kang pake!" Sigaw ko at hindi na siya nilingon pa hanggang sa makapasok ako sa kwarto nila Hannah.

Lalo naman akong nainis nang hindi na siya maabutan sumunod na araw. Ayon sa mga helper nila ay maaga raw ito umalis para sa trabaho. Nagulat pa ako nang makitang nakaayos na ang mga gamit ko at nakalagay na sa sasakyan!

Talagang pinapaalis na ako ng mokong na 'yon!

Nagpaalam lang ako saglit sa pamilya ni Donny bago sumakay sa sasakyan. Gaya ng sinabi ni Donny ay ang driver nga niya ang naghatid sa'kin pabalik sa Batangas. Matapos ang nangyari kahapon ay umasa akong magbabago ang isip niya, pero hindi pa rin pala!

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon