BELLE
Pagkarating ng bahay ay agad akong sumalampak sa couch at pumikit. Hindi ko inaasahang ganon na lang ang pagod ko sa araw na to. Kung tutuusin ay wala naman masyadong ginawa ngayon. Nagpakilala lang.
Badtrip lang talaga yung gago na yun eh. Pilitin ba naman akong mag lunch kasama niya? Ha! Akala niya ba nakakatuwang makita pagmumukha niya? Eh mas may hitsura pa yata ang talampakan ko kaysa sa kanya eh! Bwisit talaga yun.
"Pagod ka, Ma'am?" Dinig ko na ang boses ni Ate Weng kaya nagmulat ako. Inabot niya sakin ang mango juice.
"Hindi naman." Bumuntong hininga ako bago tunggain yung baso ng juice.
"Ma'am, pauwi na raw ho sila Mommy at Daddy mo. Sabay raw ho kayong kumain—"
"Ayoko." Padabog kong ipinatong sa tray ang baso at tumayo para sana umakyat na sa kwarto nang magsalita siya ulit.
"Pero, Ma'am mahigpit na bilin po ni Ma'am Bea—"
"Mukha ba akong may pakialam sa bilin niya?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Sa loob ko ay naiinis na ako sa pagpupumilit niya pero wala akong inilabas na emotion nang tumingin sa kanya. "Hindi ako gutom."
"S-sige po, Ma'am." Napapahiya, nakayuko niyang sabi.
Napairap ako sa inis bago tuluyang tumalikod at umakyat papunta sa kwarto ko. Ang totoo ay hindi pa ako kumakain. Nawalan lang talaga ako nang gana nang mabanggit ang mga magulang ko.
Mas gugustuhin ko namang magutom kaysa mabusog nang sila ang kasama. Pagod ako at wala na akong pasensyang pakinggan ang mga pangangaral nilang wala naman sa lugar.
Ilang sandali pa ay narinig ko na nga ang ingay ng sasakyan, a sign that my parents are already home. Agad kong ni-lock ang pinto ng kwarto ko at nagpatugtog ng malakas ng music. Sa ganoong paraan kong ipinaparating na ayokong may mang-istorbo sakin.
Pero sadya yatang wala silang pakiramdam dahil nakarinig ako ng magkakasunod na katok. Imbes na kumilos ay nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa kisame.
"Anak?" Nangibabaw ang boses ni Papa. "Anak, kumain ka na ba?"
Hindi ko alam kung bakit, pero mabilis akong pinangiliran ng luha. Pagdating kay Papa ay napakababaw ng mga luha ko. Hindi ko gustong itulak siya palayo, pero lagi niya akong inuudyok na gawin iyon sa tuwing maaalala ko ang mga kasinungalingan niya sa pamilyang ito. Galit na galit ako, hindi lang sa kanya, pero maging kay Mommy dahil kahit harap-harapan na siyang niloloko ay parang ayos lang sa kanya.
"Anak? Gusto mo bang padalhan kita ng pagkain?" Tanong niya pa ulit.
Instead of answering, mas lalo ko na lang nilakasan ang tugtog para lunurin sa ingay ang boses niya. Hindi rin tumagal ay narinig ko nang maglakad siya paalis.
I sighed and just closed my eyes... wanting so bad to drown out all the thoughts that keep running through my mind.
Like the usual, I tried sleeping without the help of my sleeping pills.
Ang sabi ng doctor sakin, bagamat makakatulong yun sa pagtulog ko, hindi pa rin daw magandang naka-depend ako doon. Kaya gabi gabi na lang kung subukan kong matulog na hindi umiinom non.
Pero...
Isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas at hindi ko pa rin magawang antukin. Nakapikit lang ako pero hindi ko magawang makatulog. Rinig ko ang bawat kaluskos mula sa labas, maging ang ingay ng aircon ng kwarto ko. Tila ba lahat ng yun ang sinisisi ko kung bakit hindi ako makatulog kahit pa alam ko namang hindi yun.
Pagod na pagod naman ako pero hindi ko talaga magawang makatulog. Mabigat na ang talukap ng mga mata ko pero hindi pa rin sapat para mahimbing ako.
BINABASA MO ANG
The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)
Romance"Is it possible to fall in love with your perfect misfit?"