Chapter 43

3.5K 159 175
                                    

#TPMisfit43



BELLE

Tuliro ako.

Hindi ko alam ang gagawin lalo na't nakauwi na si Donny. Dapat ko bang sabihin? Dapat ko pa bang ipaalam sa kanya ang kalagayan ko gayong hiniwalayan niya na ako? Para akong tangang pabalik balik sa paglalakad sa kwarto ko dahil sa pagiisip. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko. Kung ayaw niya, edi hindi ko siya pipilitin. Bubuhayin ko ang bata magisa.

Nang tumawag sa'kin si Hannah ay sabi niya magkakaroon raw ng simpleng dinner sa bahay nila bukas. Ang sabi niya ipapasundo raw nila ako sa driver nila papunta roon. They even asked me to bring my family there. Simpleng salo salo lang raw ang mangyayari at pamilya lang nila ang naroon. Iyon ang iniisip ko ngayon — kung pupunta ba ako.

Pero sa huli ay napagpasyahan kong pumunta na lang. Sinama ko sila Mama, Inigo at si Criza. Gabi na nang makarating kami sa bahay Nina Donny. Si Tita Mariel pa agad ang sumalubong sa'kin. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

"Anak! You're finally here again!" Natutuwang sabi niya. "Hello!" Sabi niya at hinarap si Mama. "I'm Mariel, Donny's mom." Pagpapakilala niya sa sarili. "You must be Belle's mom?" She asked.

"Ah, oo. Ako nga." Nakangiting sabi ni Mama. "At ito naman ang kapatid niya. Si Iñigo." Pagpapakilala ni Mama kay Inigo. "At ang kaibigan ni Belle, si Criza." Si Criza naman ang pinakilala niya.

"It's nice to see you all! You're all very much welcome in our home! Pasok kayo!" Aya niya sa'min. Hinawakan niya pa ako sa kamay at dinala papunta sa malawak na garden ng bahay nila.

Kahit na simple ay nagmukha pa ring engrande ang disensyo ng garden nila. Puno ng ilaw at lanterns iyon at may isang malaking table na pahaba sa gitna — roon yata uupo ang lahat at magsasalo-salo.

"Pwede na kayong maupo habang hinihintay natin ang ibang mga bisita." Sabi ni Tita at iyon nga ang ginawa namin. "Mamaya pa ang dating ni Donny." Sabi niya nang mapansing inililibot ko ang paningin ko. "May inasikaso lang sa office niya, pero parating na 'yon."

Tumango lang ako dahil nakakahiya na kung manguusisa pa ako. Pinapakiramdaman ko lang ang sarili dahil nahihilo nanaman ako. Iniisip ko lang baka sumama ang sikmura ko sa mga pagkaing ihahain nila. 'Wag naman sana.

Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pamilyar na boses ni Hannah. Napalingon ako at nakitang kasama niya sila Solana, Ate Ella at Benj. Tumayo ako agad para salubungin sila dahil sa direksiyon ko ang punta nila.

"Belle!" Sabi ni Ate Ella at niyakap ako. "I'm so glad to see you! Benj and I were in Italy kaya nahuli kami sa balita." Sabi niya. "Pero nang malaman namin, agad kaming nagmadali umuwi. You're alive! I still can't believe it."

"I'm glad you're well." Simpleng sabi ni Benj at yumakap.

"Parating na raw si Kuya." Sabi kaagad ni Hannah. "Sana naman magkaayos na kayo."

"Bakit? Magkaaway ba sila?" Gulat na tanong ni Ate Ella at tumango naman si Hannah. "Anong nangyari?"

"Break na sila." Si Hannah na ang sumagot para sa'kin.

"Ano?!" Sabay sabay at gulat na tanong nila.

"Yup. Kaartehan ni Kuya." Umirap na sabi ni Hannah. "Ay hello po!" Sabi niya nang makita sila Mama. "Kayo po ba ang Mama ni Belle?" Tanong niya at tumango naman si Mama. "Nice to meet you po!"

"Oh my! It's nice to meet you!" Si Ate Ella. "I'm glad Belle's in good hands now." Sinserong dagdag niya at napangiti naman si Mama.

"It's nice to meet you too." Nakangiting sabi ni Mama. "Ang gaganda niyo naman." Sabi niya pa.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon