Chapter 17

3.4K 127 175
                                    

BELLE

Para akong nabingi saglit matapos marinig ang sinabi ng lola ni Donny. Hindi ako agad nakakilos at unti unting nagiinit ang mukha ko sa sobrang hiya. Everyone's eyes were all on Donny and I, waiting for us to acknowledge the sudden announcement.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Donny sa kamay ko bago niya ako hinila papunta sa gitna ng stage kung nasan ang microphone. Natigilan ako nang mula rito ay natanaw ko sila Robi, Rhys, Gello, Ash at Kaori na kapwa gulat na gulat na nakatinging sa'ming dalawa. Hindi ko napansing nandito sila at wala naman talaga kaming intensyong ipaalam sa kanila ang plano namin. This was just supposed to be a short term thing, pero sa nangyayari ngayon ay parang unti-unti lang lumalala ang situation. Tuloy ay hindi ko alam kung paano pa namin ito ipapaliwanag sa kanila.

Pero mas lalo lang akong natigilan nang sa likod nila Robi ay makita si Chelsea na deretsong nakatingin kay Donny. Kitang kita ang magkahalong gulat at sakit sa mga mata niya. Kaya naman nang makitang lilingon na siya sa'kin ay mabilis akong nagiwas ng tingin.

"Thank you all for coming to celebrate with us tonight. Please enjoy the rest of the evening." Iyon lang ang sinabi ni Donny, but everyone still applauded us — assuming that he was confirming the announcement.

When in fact, he didn't directly confirm the announcement nor did he deny it. Siguro ay respeto na lang sa lola niya para hindi ito mapahiya. Matapos non ay bumalik kami sa dating pwesto at ang Daddy at Mommy niya naman ang nagpunta sa harap.

Agad naman kaming inabutan ng mga servers ng tig-isang wine glass. They poured wine in it before doing the same to the other members of the family.

"Cheers to the newly engaged couple and the birthday celebrant!" Sabi ng Daddy ni Donny at itinaas ang hawak na wine glass. Ganon rin naman ang ginawa ng lahat at sabay sabay na uminom.

I sighed and just drank the wine. Tahimik lang ako pero sa loob ko ay nagtataka na ako kung paano nangyaring na-engage ako bigla sa lalakeng ito??? At kung bakit narito sila Robi at ang buong angkan yata nila?

Hindi na ako umimik matapos non at tahimik na lang na hinintay na makababa kami ng stage. Gusto ko sanang tanungin si Donny kung anong nangyayari, pero sa dami ng taong lumalapit at kumakausap sa'min ay hindi ko na magawa. Lahat ay nagtatanong tungkol sa engagement, pero maging si Donny ay parang hindi alam kung anong dapat na isagot sa kanila.

"Excuse us, please." Nakangiting pakiusap ni Donny sa kanila. Nagpaalam rin siya saglit sa parents niya bago ako hilahin paalis ng garden.

"Anong ibig sabihin non?" Tanong ko kaagad nang makapasok kami sa loob. Wala namang ibang tao bukod saming dalawa pero hininaan ko pa rin ang boses ko. "Hindi mo naman sinabi sa'king fiancé mo pala ang role na gagampanan ko?"

I saw him massage his temples and ruffle his hair out of frustration. I could tell na confused siya sa mga nangyayari, pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"I'm sorry." He shook his head and sighed. "No one told me about this. Kanina ko lang nalaman. Nabigla rin ako."

Kumunot ang noo ko. "Pa'no nangyari 'yon?"

"I don't know."

Nainis ako. "Pwede ba namang hindi mo alam? Pamilya mo 'yon. Impossibleng hindi nila sinabi sa'yo."

"Hindi nila sinabi sa'kin." Sabi niya kaya lalo akong nalito.

"Impossible 'yon."

"Nagsasabi ako ng totoo. I'm just as shocked as you are." Pagpapaliwanag niya pa.

"Atsaka bakit naman ako biglang ipakakasal sa'yo? Ngayon pa nga lang kami nagkita! Kilala na ba nila pamilya ko?" Inis na tanong ko. "Ganyan ba talaga 'yang pamilya mo? Basta ka na lang ibubugaw sa kung sinong makita nila?"

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon