Chapter 20

3.8K 146 179
                                    

BELLE

Dahil sa sobrang kahihiyan ay mabilis akong tumayo para makalayo sa kanya. Gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa. Gusto kong maglaho na lang bigla!

Anong nangyari? Pa'no nangyari 'yon? Hindi pwede! First kiss ko 'yon!

Napaatras ako nang makita ko siyang tumayo habang nakatingin sa'kin. Bakas sa mukha niya ang gulat sa hindi inaasahang pangyayari. In my mind, handa na akong sapakin siya sa oras na asarin niya ako, pero mukhang pati siya ay hindi alam ang gagawin.

Tatalikod na sana ako para tumakbo paalis pero napasigaw ako nang bigla akong salubungin ni Robi at binuhat. Sa gulat ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumigaw at sabunutan siya sa kalokohang ginagawa niya.

"Hoy, Robi!" Narinig ko pang tawag ni Donny, pero sa bilis ng takbo ni Robi ay wala na rin siyang nagawa.

Lalo akong nagulat nang bigla niya akong bitawan at ihagis sa dagat! Agad akong umahon at nakitang maging sila Kaori at Ashley ay basang basa na at inis na nakatingin sa tatlong unggoy na may pakana nito!

"Mga bwisit kayo!" Dinuro ni Kaori ang tatlo.

"Sumusunod lang kami sa rules ng laro. Diba ang talo, ihahagis sa dagat?" Ngumisi si Gello.

"Whatever, Gello!" Sigaw ni Ashley.

Tinignan ko pa muna ng masama ang tatlo at maglalakad na sana paalis nang maramdaman ko ang matulis na bagay na 'yon na natapakan ko. Sobrang sakit non na napasigaw ako at nahulog muli sa tubig.

Kitang kita ko ang dugong galing sa paa ko kaya parang mas lalo akong naghina. Nakita ko roon ang matulis na nakatusok pero dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa ilalim ng tubig ay hindi ko masyado maaninag kung ano ang bagay na 'yon. Basta masakit.

Aabutin ko na sana 'yon para tanggalin, nang biglang may humawak sa bewang ko at iangat ako sa tubig.

"Are you okay? What happened?" Nagaalalang tanong ni Donny. Halata sa boses niya na tinakbo niya ang distance namin kanina para mapuntahan ako.

Agad akong kumapit sa kanya dahil hindi ko kaya iapak ang kaliwang paa ko. Ramdam ko ang init na umaakyat na papunta sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman.

"What?" Tanong ulit ni Donny nang hindi ako magsalita. Nakatingin lang siya sa'kin at hinihintay akong sumagot, pero wala akong magawa kung hindi ang mamilipit sa sakit. "Belle, anong nangyayari? May masakit sa'yo? Ano?" Sunod sunod niyang tanong.

"Oh my God! Her foot!" Sigaw ni Ashley nang makita ang lagay ng paa ako. "She stepped on a sea urchin!" Dagdag niya pa at napapikit na talaga ako sa sakit. Kung hindi lang nakapulupot ang braso ni Donny sa'kin ay baka kanina pa ako nawalan ng balanse.

Tuluyan na akong binuhat ni Donny at inahon sa dagat. Nakita kong magulat sila Robi nang makita ang bagay na yon na nakatusok sa paa ko at ang dugo na lumalabas mula roon. Ni hindi ko nga kayang tignan 'yon. Basta na lang yumakap sa leeg ni Donny at itinago ang mukha ko sa dibdib niya.

Ayaw ko pa sanang bumitaw nang maramdamang ibababa niya ako, kaya hinigpitan ko ang pagkakapit sa kanya.

"Calm down. Ako nang bahala." Mahinahong bulong niya sa'kin kaya hinayaan ko siyang ibaba ako sa buhangin. "Everything's going to be okay." Paniniguro niya pa atsaka lumuhod para tignan ang paa ko.

Agad naman akong nilapitan nila Kaori at Ashley na parehas nagaalala ang mga tingin. Maging sila Robi, Gello at Rhys ay hindi na malaman kung anong gagawin.

"Shouldn't we call someone to help us?" Natatarantang tanong ni Rhys.

"This is going to hurt, Belle." Sabi ni Donny pero hindi ko agad nakuha 'yon. Hinawakan ni Kaori ang kamay ko at humigpit ang hawak ko doon at napalakas ang sigaw ko nang maramdaman kong tinanggal niya ang mga nakatusok sa paa ko.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon