Chapter 13

3.3K 138 127
                                    

DONNY

"Sabihin mo nga sa'kin..." Biglang sabi ni Robi matapos ang huli naming klase.

I was busy fixing my things kaya hindi ko agad napansin na ako pala ang kinakausap niya. Nagulat na lang ako pagkalingon ko, pare pareho na silang nakatingin sa'kin.

"Ano nanaman ba?" Tanong ko. Wala talaga ako sa tamang mood para makipaglokohan.

"Ano bang meron sa inyo ni Belle?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ano?"

"May hindi ka sinasabi sa'min noh?" Panguusisa niya pa at doon na ako natigilan.

Nahahalata na ba nila?

"Ano bang ibig mong sabihin?" Maang maangang tanong ko.

"Na may kakaiba sa inyong dalawa ni Belle." Si Gello na ang sumagot.

Sinara ko ang bag ko at hinarap na silang tatlo. Para silang mga hukom na anumang oras ay kikilatisin na ako.

"It hasn't even been a month since we met. What are you talking about?" I said, casually playing everything cool. Kahit sa loob loob ko ay nagaalala na akong baka nakakahalata na sila.

"That's the whole point." Ani naman ni Rhys. "You guys talk like you're close — like you've known each other for a long time."

I scoffed, "Close?" Tanong ko at sabay naman silang tumango. "Nakita niyo ba kung paano kami magaway kanina?"

"Oo. At hindi normal 'yong galit mo kaya mas lalong nakakapagtaka." Robi said, both his eyebrows raised.

Natigilan ako.

"Masama bang magalala?" Pangangatwiran ko. "Kanina lang, dinala natin sila sa clinic dahil sa kalokohang ginawa nila. Tapos not even a few hours after being brought to the clinic, makikita ko nanaman sila sa ganong situation?" Namumuo nanaman ang inis sa loob ko. "Sinong hindi magagalit?"

"Kasama pa ba sila Kaori at Ash dito sa pinaguusapan natin o si Belle lang?" Deretsong tanong ni Robi.

Hindi ako nakasagot.

"Sinasabi ko na nga ba." Ngumisi si Robi.

"Shut up. You're getting the wrong idea." Tanggi ko kaagad.

"Bakit? Ano ba sa tingin mong nasa isip ko?"

Umiling ako.

"Malakas na tama mo, bro." Natawa siya.

"Ikaw ang tatamaan sa'kin kapag hindi ka pa tumigil." Inis na sabi ko pero nagtawanan lang silang tatlo.

Hindi naman na nila ako kinulit matapos non dahil halata naman kung gaano kasama ang mood ko. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa room nila Kaori dahil sinamahan namin si Rhys. Lagi niya namang dinadaanan ang room nila Kao bago siya umalis kaya hindi na bago 'yon.

Nagiba lang ngayon ang pakiramdam ko dahil alam kong naroon rin si Belle. Kaya naman nang makarating kami sa room nila ay naiinip na lang akong sumandal sa hamba ng pintuan nila at nagiwas ng tingin.

"That's weird." Narinig kong sabi ni Rhys. "They're not here."

Doon na ako napalingon sa kanya. Iginala ko naman ang paningin ko sa buong room nila at nakitang wala na nga sila roon. Even their things weren't there anymore.

"Baka umuwi na." Sabi ni Gello.

"Hindi ba nagtext sa'yo si Kaori?" Tanong ni Robi at umiling naman si Rhys. "Eh baka nakalimutan lang. Hayaan mo na. Tanungin mo na lang mamaya." Sabi niya atsaka inakay na si Rhys palabas ng room nila Kao.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon