Chapter 18

3.5K 124 138
                                    

DONNY

I don't know what confuses me more. The fact that Belle's mom knew about the engagement all along or the fact that my Dad actually knows her mom.

Hindi ko rin inaasahang papayag si Belle sa request ni Mamu. I was actually ready to make up an excuse just so she can get away from it, pero nagulat ako na pumayag siya.

"Hindi mo naman nabanggit na magkakilala pala kayo ni Belle?" Tanong ni Robi.

Naiwan sila Belle, Kaori at Ash sa table namin, habang kami naman ay tumayo at umalis para kumuha ng wine.

Umiling ako. "Hindi kami magkakilala noon." Paglilinaw ko at sumimsim sa wine glass na hawak ko.

"Huh?" Nalilitong tanong ni Gello. "Eh sabi ni Tito magkakilala raw sila ng Mommy ni Belle ah."

"That was news to me." Sabi ko. "Ngayon ko lang nalaman 'yon."

"Atsaka pa'no nga pala kayo na-engage bigla ni Belle? Ang akala ng lahat ay si Nica ang ipapakilalang fiancé mo dahil buong pamilya niya ang narito." Sabi ni Gello. "Kaya gulat na gulat kami nang si Belle ang dumating."

"And it's so unlike her to agree to something like this." Dugtong ni Rhys. "I actually expected her to protest but she didn't."

"Naisip ko nga nong una na baka siya 'yong magpapanggap na girlfriend mo eh." Kunot noong sabi ni Robi na parang nagiisip pa. "Pero impossible naman 'yon. Tanga ka na lang kapag ginawa mo 'yon, diba?" Sabi niya pa.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita kaya sabay sabay nila akong nilingon.

"No..." Ani Rhys na nakaturo sa'kin. Hindi niya pa sinasabi ay alam ko na ang iniisip niya. "Don't tell me...?"

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Robi. Nanlaki agad ang mata niya nang marealize ang pinupunto ni Rhys. "Nagpapanggap lang kayo?"

"Sige, lakasan mo pa." Sarkastikong sabi ko dahil napakalakas ng pagkakasabi niya.

Napatakip naman siya sa bibig niya atsaka tumigin sa paligid kung may nakarinig. At nang makitang wala ay tsaka niya nilingon si Gello at dinuro.

"Kasalanan mo lahat ng 'to eh!" Asik niya.

Gulat na gulat naman siyang nilingon ni Gello.

"Anong— Hoy! Bakit ako? Suggestion lang naman 'yon! Hindi ko naman sinabing gawin niya talaga!" Pagtatanggol niya pa sa sarili.

"Eh alam mo namang uto-uto 'yan eh, tapos binigyan mo pa ng walang kwentang idea." Sabi niya pa.

Kumunot ang noo ko. "Hoy! Anong uto-uto? Sinong uto-uto?"

"Ikaw!" Sabay sabay na sagot nila.

"Hindi ako uto-uto!"

"Ah talaga? Kaya pala?" Sarkastikong sabi ni Robi kaya hindi na ako nakapagsalita.

"Teka... Pumayag si Belle?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gello.

"Hindi pa ba obvious?" Pambabara sa kanya ni Robi.

"Pa'no mo napapayag si Belle?" Takang tanong ni Gello.

"Oo nga. Si Belle? Nauto mo?" Pagdidiin pa ni Robi kaya lalo akong nainis.

"Basta." Sabi ko at nagiwas ng tingin.

"Muntik na akong maniwala, bro. Grabe kayo." Napailing si Robi.

"I knew something was wrong... I just couldn't put a finger on it." Sabi naman ni Rhys. "Does Mamu know?"

"No. Obviously." Sabi ko.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon