Chapter 24

3.8K 125 333
                                    

A/N: Sorry for the late update! Sobrang busy lang hahahaha. But here you go! ❤️

Also, watch out for the new character I'll be introducing in this chapter. Let me know your guesses after you've read it 😊

Can you guys use the tag #TPMisfit24 on twitter when you write your thoughts about the chapter? That way, mabilis kong mahahanap at mababasa. Your thoughts really matter to me. You guys inspire me a lot ❤️

Thank you.

BELLE

Natapos na akong maligo't lahat, pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. I was pacing back and forth, trying to remember what happened last night. Wala talaga akong maalala!

Kumunot ang noo ko at tinignan ang pinto kung saan lumabas si Donny kanina.

Hindi kaya gumagawa lang ng kwento ang mokong na 'yon para asarin ako?

"Bwisit!" Pabulong na singhal ko at halos sabunutan ang sarili sa inis.

Nilingon ko ang pinto at matagal na napatitig doon bago nagpasyang lumabas. Subukan lang talaga akong bwisitin ng lokong 'yon, sasapakin ko siya kahit pa sa harap ng mga kaibigan namin.

"Oh, ayan na pala eh." Boses agad ni Gello ang narinig ko nang makarating ako sa dining area.

Naroon na silang lahat at halatang mga bagong ligo at gising palang.

"Mine." Nangibabaw ang pamilyar na boses na 'yon at kahit hindi ko tignan ay alam ko na agad kung sino.

Nangingiting nagkatinginan ang mga kaibigan namin. Si Gello at Robi ay nagsikuhan pa at nagbulungan habang bumubungisngis. Si Rhys naman ay natatawa na lang na nagptuloy sa pagkain. Si Ash at Kao naman ay binigyan na lang ako ng nanunuksong tingin.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi ko na lang pinansan ang sinabi ni Donny at dumeretso na lang sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Robi.

"Mine daw oh." Pangaasar niya.

"Narinig ko." Inis kong sabi at pairap na tinignan si Donny na ngayon ay nakangisi nang naglalagay ng pagkain sa plato.

Mukhang kakaligo niya lang. He was wearing a white long sleeved shirt, paired with black cotton shorts. Medyo basa pa ang magulo niyang buhok.

"Gwapo noh?" Bulong ni Robi na lumapit pa talaga sa tenga ko. "Kamukha nong boyfriend mo?"

Pasiring kong siyang binalingan ng tingin.

"Sabi ko nga eh, joke lang." Bawi niya kaagad at umirap naman ako.

"Pa-mine nga nong pancake." Hirit naman ni Gello. May halong pangaasar ang tono niya kaya kahit hindi ako ang kinakausap niya ay alam kong ginagaya niya ang kung anumang nasabi ko kagabi.

Palihim namang nagtawanan sila Kaori.

"Here's your food." Umangat ang tingin ko kay Donny na kakalapit lang.

Nilagay niya sa table ang plato na may pancake. There was syrup and butter on top. Mayroon rin siyang hinandang kape. Afterwards, he sat on the empty seat beside me, at talagang tinitigan lang ako.

"Salamat." Tanging sabi ko lang, labag pa sa loob.

"Anything for you." Banat niya nanaman kaya imbes na matuwa ay nainis lang ako lalo.

"Nakanaman!" Pangaasar ni Gello. "Nagiba yata ihip ng hangin ah? Kahapon lang parang hindi pa kayo nagpapansinan. Tapos ngayon..." Ngingisi ngisi niyang pinutol ang sinasabi. "Daig niyo pa ang magasawa." Dagdag niya.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon