Chapter 39: The Revelation Part II

4.8K 131 133
                                    

#TPMisfit39


DONNY

Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa balat ko. Idinilat ko ang isa kong mata para silipin kung sa'n nanggagaling 'yon at napabuntonghininga nang makitang galing pala sa bintana. Nalimutan kong isara ang kurtina kagabi.

Belle and I went home after what happened last night. We both agreed to sleep in the hotel that I was staying at. And here she is, in my arms, all cuddled up and peacefully asleep.

Nakayakap siya sa'kin at naririnig ko ang mahina at kalmado niyang paghinga. I can't believe she's actually here, breathing, and living. I have longed for this moment for 5 years, and it's finally here. She's finally back in my arms again.

Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya.

"Hmm." Sabi niya at mas lalong yumakap sa'kin.

"Good morning, love." Bati ko at ngumiti naman siya.

"Morning." Simpleng bati niya pabalik pero nakapikit pa rin.

"Anong sinabi mo kay Tita? Alam niyang dito ka natulog?"

"Oo. Hindi ko naman kayang magsinungaling." Inaantok na sagot niya.

"What did she say?"

"'Wag na raw akong bumalik." Nakapikit na sabi niya at natawa ako.

"Has she been good to you?" Maingat kong tanong at unti-unti naman siyang dumilat. "Inalagaan ka ba niya ng maayos?"

Matagal niya akong tinitigan sa mga mata bago sumagot.

"Oo, pero—"

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig ang tunog ng doorbell mula roon. Buti na lang at parehas na kaming may damit kaya walang problema kung bisita. The only problem is that I wasn't expecting any visitors today.

"I'll just open the door." Paalam ko kay Belle bago bumangon at lumabas ng kwarto para buksan ang main door.

At agad nanlaki ang mga mata ko nang bumungad si Hannah sa harap ko. Mukhang kakarating lang at may dala pang maleta!

"Hannah?" Gulat na tanong ko. Ngumiti naman siya at agad na pumasok ng walang pasabi. "Anong ginagawa mo rito?" Sinundan ko siya while she was roaming freely inside my unit!

"Good morning to you too, Kuya." Natatawang sabi niya. "You asked me to go here, remember?"

Napapikit ako nang maalalang pinapunta ko nga pala talaga siya ngayon rito! Pero sa lahat ng oras na pwede siyang magpunta ay bakit ngayon pa? Kung kailan narito si Belle?

I originally wanted to show her Belle but not like this!

Parehas kaming natigilan nang marating ang kitchen. Belle was there rummaging through the refrigerator for water. At nang lumingon siya sa'min ay nabitawan agad ni Hannah ang hawak na maleta sa sobrang gulat.

"Belle?" Gulat na gulat na tanong niya, hindi makapaniwala sa nakikita.

Minasahe ko ang sentido ko at hindi na agad malaman kung paano kokontrolin ang sitwasyon. Napatingin kaagad sa'kin si Belle bago nilingon ulit si Hannah.

"Hannah." Halos pabulong niyang tugon.

"Oh my God?" Patanong na bulalas ni Hannah, hindi pa rin makapaniwala. "Oh my God!" Mas malakas na sabi niya at nilingon ako. "Kuya, what?! Anong ibig sabihin nito? She's alive?!" Sunod sunod ang tanong niya.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon