Chapter 7

3.5K 130 67
                                    

DONNY

DUMERETSO ako sa pinakadulo ng football field pagkatapos ng klase. I went to the exact same spot as yesterday and waited for Belle there.

Unlike yesterday, mas maraming tao ngayon dahil uwian. Maraming nakatambay sa gitna ng field. Some were just casually hanging out, and some were playing football. Pero kahit ganon ay hindi naman kami matatanaw rito. Itong parte kasi ng football field na 'to ay ang pinakadulo at abandoned na. Hindi na gaanong napupuntahan.

Natigil lang ako sa pagiisip nang mahagip ng paningin ko si Belle na naglalakad na palapit. Malayo pa man ay alam ko nang rito ang punta niya. Wala sa sarili akong napangiti habang pinapanood siya.

Hindi ko alam, pero gustong gusto ko talaga siyang titigan. Even the boys in our school couldn't help but stare at her. Ganon na lang talaga kalakas ang dating niya.

Pero ayun siya at deretso lang ang tingin at kalmadong naglalakad. She gets all the attention now, but it's so obvious that she just doesn't give a single damn. And in a span of two weeks of knowing her, I'm getting used to the fact na hindi talaga basta bastang nakukuha ang atensyon niya.

Sa sobrang pagkakatitig ay napansin kong nakababa na ang buhok niya. It was up in a messy bun earlier, but now she had it down. It was effortlessly swaying as she walked. She didn't even seem to mind when the wind blew her hair. Lalong pinalakas niyon ang dating niya.

Natinag lang ako nang tuluyan na siyang makalapit. Padabog siyang naupo at halos pabatong inilagay ang bag sa mesang naroon bago ako hinarap. Inirapan niya pa muna ako bago binuksan ang bag at may kinuha ron.

My brows furrowed when I noticed she got a pen and bond paper. Inilagay niya 'yon sa gitna namin atsaka sinulatan.


RULES


"Rules?" Basa ko, nalilito. "What's this?"

"Sabi ko naman sa'yo, diba?" Pairap niya akong nilingon. "We need to set some boundaries. We need to have some rules. Baka mamaya abusuhin mo 'ko."

I chuckled in disbelief. "Seryoso ka?"

"Mukha ba akong marunong magbiro?"

"Mukha ba kitang aabusuhin?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Oo." Walang alinlangan, deretsong deretsong sagot niya.

Napailing ako.

"Fine." Pagsuko ko. "But I'll add some rules too."

Sinamaan niya kaagad ako ng tingin.

"Oh, bakit?" I countered, "'Wag mo sabihing ikaw lang pwedeng gumawa ng rules? Lugi ako non."

"Anong lugi?" Naghahamon nanaman siya, "Ako nga ang lugi rito eh!"

"Pa'no ka nalugi, sige nga? Ikaw ba ang nagbayad ng 50,000?" Pambabara ko kaagad.

"Wow." Napailing siya, "Nanunumbat."

"Totoo naman ah?" Natawa ako.

"Kaya nga pumayag na ako sa gusto mo, diba? Makapanumbat naman 'to, akala mo naman..." umirap siya. "Oh, sige na!" Wala na rin siyang nagawa kaya natawa ako. "Ako muna."

Inayos niya ang papel at nagsimulang magsulat.


Rule # 1: NO ONE SHOULD EVER KNOW.


"Huh?" Angal ko kaagad nang mabasa iyon. "Anong wala? Eh ipaaalam nga natin sa family ko—"

"Bukod sa family mo, wala na dapat makakaalam." Paglilinaw niya.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon