Chapter 16

3.1K 118 117
                                    

BELLE

"Perfect." Sabi ni Mommy matapos akong maayusan.

Talagang nag-hire pa si Mommy ng make up artist and hairstylist para lang maayusan ako. Matagal niya ng kilala ang mga 'yon at sila na talaga ang nagaayos sa kanya noon pa. Hindi na ako nakapalag dahil pagkababa ko kanina ay kausap na sila ni Mommy. Advantage na rin sa part ko dahil hindi rin naman talaga ako marunong magayos. I'll be needing all the help I can get.

"It's a nice gown, but it's too simple." Aniya pa na sinusuri ang suot ko. "Kung sinabi mo lang sa'kin, mas maganda pa riyan ang ipagagawa ko for you."

Umirap ako, "Hindi ko kailangan ng bonggang gown. Hindi naman ako ang may birthday."

She sighed and just fixed a few loose strands of my hair.

"Ang ganda po ng anak niyo, Ma'am!" Natutuwang sabi ng make up artist na nagayos sa'kin. Nginitian lang siya ni Mommy. "Magaartista rin po ba siya?"

"Nako, pwedeng pwede ka girl! Leading lady agad ang role! Pak!" Sabi pa nong isang kasama niya.

Natawa na lang si Mommy.

"I'll let her decide." She smiled. "Pero kung ako ang tatanungin... Why not, diba?"

Hindi na lang ako nagsalita at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

I was wearing a red tube top long evening gown with a low-open back, and a thigh high side slit.

I wanted to put an edge to the outfit kaya hindi ko ginamit ang heels na binigay ni Donny. Instead, I wore a silver-colored jeweled thigh high heels to match the outfit. Para siyang stockings, only that it was sheer, transparent and full of glittering jewels. It was enough to accentuate my left leg that can be seen from the slit. It looked sexy with a bit of an edge — just my style.

I had my long hair down and straightened. It was parted in the middle, with clips on both sides just to accessorize the look. My make up was simple just as I requested. At bukod sa manipis na necklace at earrings ay hindi na ako naglagay pa ng ibang jewelry dahil ang sapatos ko ay kumikinang na sa ganon.

Overall, I was satisfied with how the look turned out.

"Ang ganda talaga!" Sabi pa ulit nong nagayos sa'kin kaya nginitian ko na lang siya. "Susunduin ka ba ng jowa mo, 'be?"

"No." Inunahan na ako ni Mommy. Nilingon niya ako. "Tell him 'wag ka ng sunduin. Ipahahatid kita don." Sabi niya na kinuha na agad ang phone para may itext.

Nagtaka ako pero sumangayon na lang dahil hindi pa rin ako masyadong handang harapin si Donny matapos nang nangyari kagabi.

"What times does the party start?" Tanong niya.

"8 PM."

Tumango siya at may tinipa sa cellphone bago ako muling nilingon.

"You'll be there by 9."

Napamaang ako.

"What?" Nalilitong tanong ko. "I'll be an hour late. Ano na lang iisipin sa'kin ng mga 'yon?"

"Darling, everyone should already be there bago ka dumating." Sabi niya. "You deserve a grand entrance." Ngumisi siya.

"Pero—"

"Just trust me." Pagputol niya sa sanang sasabihin ko bago umalis at may kinausap na sa phone.

Hindi na ako nakapalag at basta na lang chinat si Donny na wag na akong sunduin. Hindi ko na lang rin binanggit na mala-late ako para hindi na siya magtanong.

"Gwapo ba 'yong jowa mo, 'be?" Tanong ulit nong make up artist — Malick pala ang pangalan niya. Iyong kasama niya namang hairstylist at assistant ay si Carly.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon