Chapter 4

3.9K 136 76
                                    


BELLE

SA mga nagdaang araw, kila Kaori at Ashley na nga ako tuluyang sumasama. Wala namang kaso sa'kin kung magisa akong kumain ng break at lunch, pero dikit sila ng dikit sa'kin kaya hinayaan ko na lang rin. Isang linggo na ang lumipas at medyo nakakasanayan ko na rin ang presensya nila. Kadalasan ay maingay, pero ganoon yata talaga sila. Hindi mabubuhay ng tahimik ang mga bibig.

Kasalukuyan kaming nasa quadrangle. Bawal kasing tumambay sa room kapag break time kaya napipilitan kami laging maghanap ng lugar na matatambayan. Rito nila napili sa quadrangle dahil may table at presko.

"Bilisan mo naman dyan, Ash! Gutom na ako!" Reklamo ni Kaori kay Ash na nagmamadali nang tapusin ang pangongopya sa homework ni Kaori. 

Aniya'y nakatulog raw siya kaagad kagabi pagkauwi galing school kaya hindi natapos ang mga assignments. Tahimik lang akong nakaupo sa taas ng table habang hinihintay siyang matapos sa pagsusulat. Medyo nagugutom na rin talaga ako.

"Ito na, ito na!" Natatarantang sabi niya na patuloy pa rin sa pagsusulat. "Ayan na! Tapos na! Woo!" Maya maya pa ay sabi niya sabay lagay sa expanding folder ang assignment.

"Tara na. Idaan na natin yan kay Ma'am. Magdasal ka na lang na sana tanggapin niya pa." Pananakot ni Kaori.

Patalon akong bumaba sa table atsaka sumabay sa kanila sa paglalakad. Hindi pa ako gaanong familiar sa campus kaya sinusundan ko na lang kung saan sila pumupunta.

Pero nagulat kami nang makarating kami sa faculty ay nakita namin si Nico. Nasa labas ito ng Dean's office na katabi lang ng faculty room at mukhang may hinihintay. Nang makita niya ako ay agad niya akong sinugod.

"Nico!" Agad na sigaw ni Ash nang bigla akong hablutin ni Nico sa kwelyo.

Malakas ko siyang itinulak kaya nabitiwan niya ako at halos matumba sa lakas ng pwersa niyon. Galit na galit niya akong tinitigan. Sinuklian ko naman iyon ng blangkong titig.

Masyado siyang walang kwenta para pagaksayahan ng emosyon. Ang tapang niya para sugurin ako sa harap mismo ng Dean's office, kung saan marami talaga ang nakakakita. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng kapal ng mukha.

"Anong kalokohan ang sinabi mo kay Dean?" Gigil na tanong niya, dinuduro pa ako.

Inis kong hinampas palayo ang kamay niyang nakaduro sa'kin tsaka sumagot.

"Anong kalokohan pinagsasasabi mo riyan?"

"Bakit expulsion ang parusa sa'kin?!" Sigaw niya.

"Aba malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo, ako ba si Dean? Gago ka pala eh." Sarkastiko akong natawa. "Pumasok ka roon sa loob at doon ka magreklamo!" Itinuro ko pa ang office ni Dean na para bang nagtuturo lang ng direksyon sa bulag.

"Ang tapang mo ah!" Sigaw niya na sasapakin na sana ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya bago pa man iyon dumapo sa mukha ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak doon hanggang sa mapasigaw siya bago ko iyon pabatong binitiwan. Pero hindi siya natinag.

"Gago ka ah!" Sigaw niya at tinulak ako ng malakas. Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako nakailag.

Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng tulak niya.

"Nico, ano ka ba? Tama na!" Awat ni Kaori, na sinubukang hawakan ang braso ni Nico pero agad siya nitong naitulak palayo.

Bago pa man ako makabangon ay hinatak na niya ang kwelyo ko at hinila ako patayo. Matapos non ay tsaka niya ako itinulak nang itinulak habang ako naman ay napapaatras at unti unti nang nawawalan ng balanse sa lakas ng pagkakatulak niya— sunod sunod pa kaya hindi ako makabawi.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon