BELLE
You fit better as the mother of my children.
Anong ibig niyang sabihin? Na ako ang gusto niyang maging nanay ng mga anak niya? Nababaliw na ba siya?
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang biglang pagkabog ng puso ko.
Bwisit na Pangilinan 'yon. Pinagiisip ako!
Ilang araw akong hindi makatulog ng maayos kakaisip sa sinabi niya. Iniisip ko kung anong ibig sabihin non. At kung bakit niya biglang sinabi 'yon. Lalo pa akong nililito ng nararamdaman ko.
Hindi na katulad noon na balewala lang ang presensya niya sa'kin. Ngayon ay kakaiba na ang epekto sa'kin sa tuwing nariyan siya. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko at naiinis ako! Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nagkakaganito.
Matapos ng paguusap naming 'yon, eksaktong natapos ang 7 minutes. Hindi ko na siya kinibo pagkatapos non. Pinilit kong makitulog sa kwarto nila Ashley para lang maiwasan siya. At kila Rhys na lang rin ako sumabay pauwi nang walang pasabi kay Donny. Hindi ko rin binubuksan ang phone ko sa takot na baka may message siya.
Hangga't hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ay ayoko siyang harapin. Ginugulo niya ang utak ko.
Ngayon ay magisa ako sa room, habang nasa cafeteria sila Kao at Ash. Kasabay nila sila Donny kaya pinili kong 'wag na lang kumain. Bahala ng magutom kaysa naman harapin siya. Umayos na rin naman ang paa ko kaya hindi ko na kailangan ng tulong nila.
Ngayon rin namin nalaman ni Kao na nakapasa pala kami auditions para sa school band. Napapailing na lang ako 'pag naiisip 'yon. Kung hindi lang dahil sa kaartehan ni Bianca sa rules ay hindi naman talaga dapat ako magau-audition para don. Ang balak ko lang naman talaga ay tumugtog para kay Kaori.
I sighed. Bahala na. Nandito na rin naman.
Naputol lang ang pagiisip ko nang biglang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok mula sa pinto. Bukas naman 'yon kaya napalingon ako. Agad akong natigilan nang makita kung sino 'yon.
"Chelsea." I said, shocked.
Walang tao sa loob ng room at kaming dalawa lang ang narito kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo pa kapag naaalala ko kung anong nangyari sa birthday party ng lola ni Donny.
"Pwede ka bang makausap saglit?" She gave me a small smile.
Natigilan ako pero agad ring tumayo para lumabas at makipagusap sa kanya. Naglakad kami papunta sa kubong hindi kalayuan mula sa room namin. We sat there in silence. Parehas kaming ilang at hindi malaman kung paano magsisimula.
Itatanong ko na sana kung ano ang gusto niyang pagusapan nang bigla siyang magsalita.
"Gusto ko lang sanang mag-apologize sa nangyari at sa ginawa ko nong party." Sinserong sabi niya. "Nagulat kasi ako sa biglaang engagement niyo kaya hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko."
Hindi ako nakapagsalita at tahimik lang na nakatingin sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi naman talaga ako nagalit. I understand where she's coming from, lalo pa nang makita ko kung paano siya tratuhin ng pamilya ni Donny.
"I was wrong, and I'm really sorry for causing a scene and for hurting you." Her voice broke, and I could see tears forming in her eyes.
"Hindi naman ako galit. Naiintindihan kita." I said, assuring her. "Sorry rin kung... hindi ko agad nabanggit sa'yo nong isang beses na nagkasama tayo." Tukoy ko sa unang beses na nagkausap kami. "H-hindi ko kasi alam kung paano sasabihin at naisip ko ring mas maganda kung kay Donny mismo manggagaling." I explained at tumango naman siya. Mas kalmado siya ngayon kumpara noong sa party kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)
Romance"Is it possible to fall in love with your perfect misfit?"