Chapter 30

3.6K 127 352
                                    

#TPMisfit30


BELLE

Tahimik kong tinitigan ang sarili sa salamin. Sa dami ng nangyayari ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw. Ngayon gaganapin ang charity gala ball na inayos ni Mommy.

She does this every year kahit alam ko namang hindi niya hilig. Ginagawa niya lang para gumanda ang pangalan niya sa mata ng mga tao.

I took one last look at myself before going down. I was just wearing a simple royal blue one shoulder long gown paired with heels. For my hair, I styled it with loose curls, and let it down. Lastly, I wore light make up, just enough to highlight my features.

Hindi na ako nakipagtalo nang sabihin nilang isang sasakyan na lang ang gamitin papuntang venue. Basta na lang akong sumakay at nanahimik hanggang sa makarating kami doon. Kung paano nagkasundo si Mom at Dad ay hindi ko na alam. Mas nagkakasundo naman sila kapag hindi naguusap.

Pero ganon na lang ang gulat ko nang marating namin ang venue. Lalo pa nang makita kung gaano na karaming tao ang pumapasok roon.

"A-anong ginagawa natin rito?" Nauutal na tanong ko pero nginisian lang ako ni Mommy.

"This is the venue for the charity gala." Simpleng sagot niya na mas lalong pinakabog ang dibdib ko. "Why? Does this place look familiar to you?" Sarkastikong tanong niya at hindi ako nakasagot. "I'm sure you know the owner very well." Ngumisi siya.

Hindi na ako nakapagsalita. Ni hindi sumagi sa isip ko na mangyayari 'to. Kung nagtaon na narito rin ang pamilya ni Donny ay paniguradong malaking gulo ito.

Sa rooftop ng hotel ang pinaka main venue kaya roon kami dumeretso. Pagkarating namin doon ay marami ng tao. Nagulat pa ako nang makita roon ang mga kaibigan ko kasama ng mga pamilya nila. Ni hindi ko nga nabanggit sa kanila ang event ngayon, pero nagawa nilang pumunta. Hindi na ako magtataka kung kagagawan nanaman ito ni Mommy.

"Belle!" Boses ni Ashley ang sumalubong sa'kin. Halos takbuhin pa nila ang distansya namin para mayakap ako. "Grabe. If it weren't for your mom, we wouldn't know na may ganitong event pala!"

"Oo nga. Muntik na nga kaming magtampo sa'yo." Biro ni Kaori.

"Sorry, hindi ko na nabanggit sa inyo. Akala ko kasi immediate family members lang ang pwedeng dumalo." Pagpapaliwanang ko at ngumiti naman sila.

"Ang bibigatin ng mga bisita niyo ah." Sabi pa ni Kaori na inililibot ang paningin. Bukod sa mga kaibigan kasi ay kapwa mga artista rin ang imbitado.

Ngumiti lang ako at eksakto namang nagtama ang paningin namin nila Rhys, Gello at Robi na pare parehas nagaalangang makipagusap sa'kin. Nagiwas pa ng tingin si Gello at kunwaring naubo habang si Robi naman ay napasimsim na lang sa hawak na baso. Si Rhys lang ang naglakas loob na lumapit para yumakap.

"I heard about what happened. Are you okay?" Tanong niya. Alam ko na agad na ang paghihiwalay namin ni Donny ang tinutukoy niya.

Natahimik naman sila at hinintay ang sagot ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalalaman nila, pero sa ngayon ay hindi ko pa kayang ikwento 'yon ng buo. Masakit pa rin sa'kin. Sigurado naman akong kahit papaano ay may ideya na sila sa nangyari, lalo pa at kumalat talaga ang litrato na 'yon.

"Ayos naman ako." Tipid na sagot ko at tumango naman sila.

"N-nagkita na ba kayo? Ang alam ko pupunta ang buong pamilya nila rito." Ani Gello na ikinagulat ko.

"Ano?"

"Ah, oo. Nakausap ko si Hannah, papunta na raw sila rito." Alanganing sagot ni Kao. "Hindi mo ba alam?"

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon